Friday, September 30, 2005

berde, itim

Tumbok (01Oct05)

Dear Oliver,

Nais ko rin pong humingi sa inyo ng mga suwerting kulay upang magamit ko rin po sa araw araw, sa pag-aplay ng trabho, at sa iba pang bagay . June 20, 1980 po ang b-day ko .Bigyan mo sana ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa. Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

JEFF (climax@yahoo.com)

Dear Jeff,

BERDE at itim ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kakulay ng luntiang dahon ang berde na sumisimbolo sa kasariwaan, kasiglahan at kariktan ng buhay. Pero ang dahon ay matutuyot kapag hindi nasinagan ng araw kung saan maaaring ikamatay mismo ng halaman. Ganyan din ang iyong buhay, kailangan mo ang tulong ng ibang tao. Hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo. Tipikal na angkop sa iyo ang kasabihang “No Man is an Island”. Kailangang lagi kang may alalay o amuyong tuwing lalakad. Pero, ikaw ay magiging lider at hahawak ng maraming tao kung matututo kang makisama o makibagay sa mga taong nasa paligid mo. Kapag kumandidato ka, mananalo ka! Ang itim ang pinakamaselang kulay sa lahat dahil binibigyan ito ng negatibong konotasyon.Pero sa totoo lang, kapag gusto mong yumaman at magkamal ng material na bagay—gamitin mo lagi ang kulay itim. Pero kailangang matukoy mo nang malinaw ang iyong mithiin at ipokus ditto ang iyong panahon at resources at tiyak na makakarating ka sa antas ng tagumpay na hindi kayang maabot ngordiinaryong tao. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2006 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 17, 23, 27 at 30 lalo pa’t natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero dos (2) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-36-40-42.PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-15-19-23-28-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-6-1/ 1-5-8/ 6-7-4. 6-digit: 3-2-3-2-6-7/ 7-8-2-2-4-2/ 1-2-1-6-9-3. Bingo Mystery Eight: 2-7-23-36-56-68-70-75. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang singko (5). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa brown at nasa hulihan ang uno (1).
----30---

Tuesday, September 27, 2005

dilaw, asul

Tumbok (29Sep05)

Dear Oliver,

Gusto kong malamanang masusuwerteng kulay, numero, buwan, taon at petsa na magagamit kong panghatak ng magandang kapalaran. Ipinanganak ako noong Hulyo 28, 1975. Balak kong mag-take ng board exam sa taong ito, ano ba ang buwenas na buwan para sa akin para makapasa ako? Nakailang "take na po ako, pero nabibigo lang".Bigyan mo ako ng teknik upang buwenasin. Malaki na ang nagagastos ko at kailangan kong makapasa upang makapag-abroad ako.Matutuloy kaya ako sa ibang bansa, kailan?

DESIREE (fearn787@yahoo.com)

Dear Desiree,

DILAW at asul ang mahihiwaga mong kulay; taglay mo ang mahiwagang No.1 at No.3;Sobrang lakas ng iyong numero pero kailangang mai-neutralize ng kalikasan ang paligid kaya’t binabawasan ang iyong "lakas"sa pamamagitan ng mga negatibong pangyayari tulad ng pagbagsak mo sa eksaminasyon. Magsuot kalagi ng kulay berde, dilaw at asul kapag magdedesisyon o kukuha ng eksaminasyon. Kailangang matuto lang magpakumbaba at mapagpatawad sa mga nagkakasala sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sataong 2007, 2008, 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paga-abroad at pagpasa sa exam. Buwenas ka sa mga buwan j ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo nasa mga petsang 5, 9, 11, 12, 20, 25 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai,isama mo sa No.1 at No. 3 ang No.9.Salotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 18, 23, 26, 30, 34, 37 at 40. PARAsa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-7-11-19-23-25-27-30-37-40-42. Triple Number: 3-5-8/ 1-2-4/ 7-8-2/ 1-2-9. 6-digit: 3-2-3-7-2-1/ 7-2-3-6-2-6/ 8-9-2-2-3-2. Bingo Mystery Eight: 3-17-22-34-47-55-70-72. Mapalad ang siete (7) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa orange at nasa hulihan ang uno (1).Mainam ang tres(3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
---30--

Sunday, September 25, 2005

pulang- pula

Tumbok (27Sep05)

Dear Oliver,

Gusto ko pong malaman ang aking mahahalagang kulay at numero. Ako po ay ipinanganak noong January 27, 1979. Nagtatrabraho ako ngayon bilang isang empleado at sa gabi nag-aaral ng abogasya. Ano po ang magandang negosyo para sa akin? Nasa Smartload po ako ngayon. Ano po ang masuwerte kong taon, buwan at petsa? Makapag-abroad po kaya ako pagkatapos kong mag-aral? Ano po ang magandang numero para sa lotto?

Eil (eil1235@yahoo.com)

Dear Eil,

PULANG-PULA o blazing red ang iyong mahiwagang kulay. Kinokontrol ka ng dalawang ibayong epekto ng buntala ng Mars at taglay mo ang lakas ng Super-9. Malinaw ditto na angkop na angkop ang kursong abogasya sa iyong pagkatao kasi’y determinasyomn, tapang, disposisyon at kasabikan sa pakikipagtunggali ang kahulugan ng mahiwagang kulay itim. Hindi ka magtatagal na maging empleado kasi’y maboboring ka agad at maghahanap ng mga trabaho o aktibidad na masusukat ang iyong galling, talino at kakayahan. Buwenas ka sa mga negosyo na may mahihigpit na kakumpitensiya tulad ng mga seasonal products—malakas lamang kapag may okasyon tulad ng Pasko (fruits decorative items); Bagong Taon (gift items, firecrackers); school opening (books, school supplies), etc. Walang duda na makapaga-aabroad ka kasi’y tiyak na gagawin mo ang lahat ng paraan kahit gaano mang hirap ang pagdaanan mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2016 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at pagiging abogado. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 15, 23, 27, at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 9 ang No. 3 at No.6. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-11-18-20-23-26-30-34-37-40-42. Triple Number: 2-3-6/ 7-8-2/ 1-3-7/ 6-digit: 3-2-3-6-2-1/ 7-8-2-3-2-1/ 1-2-5-7-2-3. Bingo Mystery Eight: 2-17-34-46-58-67-70-73. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang siete (7) kapag nakaporma sa orange at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
----30--

Friday, September 23, 2005

red n gray

Tumbok (25Sep05)

Dear Oliver,

Magandang Araw at dalangin ko na patuloy pa rin kayong makatulong sa mga taong nahingi ng inyong tulong. Nais ko pong malaman kung ano po ang mahiwagang kulay at numero para sa akin. Ipinanganak ako noong March 27, 1964. Sa palagay po ba ninyo, ako po ba ay makakapag- asawa pa, at makakapag abroad. Malalagpasan ko ba ngayon ang mga problema ko sa buhay ngayon-- baon na baon po ako sa utang.
Hinihiling ko po sa inyo na sana wag na po nyong i publish itong e-mail ko sa inyo dito na lang po sana kayong mag reply.


Cynthia (Cynthia@yahoo.com)

Dear Cynthia,

PULA at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Sobra-sobra ang lakas ng iyong loob at ito rin mismo ang nagpapahamak sa iyo. Maging praktikal at gawin lamang ang angkop sa iyong kakayahan, panahon at resources. Kung sisimplehan mo lang ang pangarap mo, tiyak na matutupad ito. Hindi ka dapat na mamili pa ng mapapangasawa at siyempre, hindi kailangang mahal-na-mahal mo ang kapartner sa buhay, ang mahalaga ay mabait siya at kilala mo ang pinagmulang pamilya. Makakapag-asawa ka naman at makikilala mo ang lalaking ito sa isang mahabang biyahe o sa malayong lugar. Tama ka, magplano ka sa abroad, dahil matutuloy ka. Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong 2007, 2010 at2012 kung saan matutupad din ang mga pangarap mo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero nuwebe (9) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-15-19-20-23-27-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 7-8-2/ 1-2-5/ 7-2-4. 6-digit: 2-1-2-4-2-5/ 6-7-2-1-4-1/ 2-1-6-7-2-3/ 6-2-4-4-3—1. Bingo Mystery Eight: 3-7-23-36-56-68-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa green at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa dos (2) at otso (8).
----30--

Wednesday, September 21, 2005

green n black

Tumbok (23Sep05)

Dear Oliver,

GUDNUN po. Ako po’y masugid nyong tagasubaybay sa pagbibigay kasagutan sa kanilang maging kapalaran. Binabasa ko po ang inyong column kaya me nag-email sa inyo. Gusto lang po sana itanong kong makakapag-abroad po ba ako? Saan? Sa tingin nyo po ba maging successful ako doon? My plan po kasi akong lumabas.at saka gusto rin me malaman kong maisakatuparan po ba ung magkaroon me ng business? Kuya Oliver, kelan me kaya makikilala ang magiging partner me in life? Maging successful rin ba ang married life me? Paano po ba ako makakahatak ng swerte. Favor lang po sana wag nyong ilathala ang email add me.at saka birthday.my birthday is Nov.16,1982. Hingin rin sana me ng masuwerting numero at kulay para manalo me sa lotto kc naman isa o dalawang numero lang ang lumalabas kapag magtaya ako. Pwede d2 nalang sa email add ka mag-reply kong okey lang hindi naman okey din. TY. Ingats.

TINBAF (tinbaff@yahoo.com)

Dear Tinbaf,

BERDE at itim ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ipinahihiwatig ng berde. Kulay ito ng luntiang dahon na kailangan ang sinag ng araw upang maging mayabong at mabunga. Ganyan din ang iyong buhay, kailangang ang tulong ng ibang tao bago mag-tagumpay. Hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo lamang. Ang itim ay laging may konotasyon na negatibo pero sa totoo lang, kung magkakaroon ka ng konsentrasyon sa isang malinaw at espesipikong plano sa buhay—imposibleng hindi ka makakaangat at madadaig mo ang iyong mga kakumpitensiya. May Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa tubig at walang duda na makapag-aaabroad ka at doon na magbabago ang takbo ng iyong buhay. Isang estranghero ang iyong mapapangasawa at biglaan ang mga magaganap.Kailangang matuto kang magdesisyon nang sarado at iwasan ang paga-atubili partikular sa may kaugnayan sa pag-aasawa at negosyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2006 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap partikular ang paglagay sa tahimik at pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero siete (7) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-23-28-30-34-35-37-40-42. Triple Number; 3-2-5/ 6-8-2/ 1-2-8/ 8-9-2. 6-digit; 3-2-3-7-2-1/ 1-2-1-4-6-2/ 7-2-2-6-2-5. Bingo Mystery Eight: 1-6-34-47-55-67-70-75.Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa brown at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
----30--

Tuesday, September 20, 2005

gray n blu

Tumbok (22Sep05)

Dear Oliver,

Bigyan ninyo sana ako ng mahiwagang kulay na magagamit sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa lang akong may bahay na hindi nagtatrabaho dahil ayaw ng asawa ko. Ano ba ang aking masuwerteng taon, buwan at petsa. Ipininganak ako noong November 23, 1967, ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan nyo rin ako ng buwenas na numero na pwede kong tayaan sa lotto!

LORNA NG QUEZON CITY (lorna27@yahoo.com)

Dear Lorna,

GRAY at blue ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Ang gray ay kakulay ng abo at alikabok na nagpapatangay lamang sa hangin at agos ng tubig pero malayo ang nararating. Ganyan din ang teknik sa iyong pagtatagumpay, kailangan mo lamang sumabit, dumikit o makipagkaibigan sa matatagumpay na tao at tiyak na mahihigop mo ang kanilang buwenas. Kahit nasa bahay ka lamang ay magagawa mong makapasyal sa mga kaibigan at kakilala mong matatagumpay dahil sila mismo ang mag-aalok sa iyo ng mga oportunidad upang mabilis kang umunlad.Ang blue ay kakulay ng bughaw na kalangitan at malawak na karagatan sa panahon ng tag-araw. Nagsasabi ito na ikaw ay likas na matalino, maraming natatagong talento na dapat malinang. Marami kang kakaibang ideya na dapat magamit upang maging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Buwenas ka sa negosyo na nagbibiyahe o naglilipat-lipat ng lugar. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero singko (5) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-17-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 3-7-11-15-19-20-23-28-34-39-40-42. Triple Number; 3-4-7/ 9-2-8/ 8-9-2/ 1-2-4. 6-digit: 2-1-5-8-3-2/ 7-8-2-2-1-2/ 3-2-3-6-7-2. Bingo Mystery Eight : 3-7-16-34-47-66-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa blue at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

Monday, September 19, 2005

ninakawan

Tumbok (21Sept05)

Dear Oliver,

ISA rin po akong masugid ninyong tagasubaybay. Bigyan mo ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Matagal na rin po akong nagbabasa ng inyong column. Isa lamang po akong maybahay. Ipinanganak ako noong August 26,1951. Ang asawa ko po ay noong Feb. 06, 1947. May 2 po akong anak-- yung panganay po na babae ay Dec.07,1985 ang birthday at yung bunsong lalaki ay Jan.12,1995. Simula po noong taong 2002 nilooban po ang aming opisina at nilimas po ang lahat ng pinagpaguran ng aking asawa. Unti unti po naming ibenenta ang aming mga gamit at .hindi na po siya makapagtrabaho ngayon dahil din sa sakit ng asawa ko na prostate cancer at kidney. Sana po matulungan nyo po kami sa pagbigay ng masuwerte kong taon,buwan, petsa, araw at numero. Sobrang paghihirap na po ang dinadanas ng aking pamilya ngayon.

LADY VIRGO (chingkee@yahoo.com)

Dear Lady Virgo,

TIPIKAL sa tulad mong taglay ang mahiwagang kulay itim ang makaranas ng matitinding dagok ng buhay. Pero hawak mo rin ang mahiwagang kulay gray na magagamit mo sa pagrekober at mabilis na pag-angat sa buhay. Taglay ng mister mo ang mahiwagang kulay maroon at green kaya't walang duda na makarekober at makakabawi siya kung hindi masisira ang kanyang diskarte o moral. Kailangang ma-inspired siya. Masyado siyang emosyonal kaya't tiyak na dinibdib niya nang todo ang pagnanakaw sa inyong opisina.Ang nagdaan ay nagdaan na kaya't dapat siyang magsimula muli. Magpundar agad kayo ng sasakyan at kulayan ito ng itim, gray at berde---iyan ang magbibigay sa inyo ng buwenas upang mabilis kayong makarekober. Maaari kayong pumasok sa agribusiness. Taglay ng panganay mo anak ang mahiwagang kulay green at maroon; at blue at yellow sa bunso--kapwa malakas ang kanilang numero kaya't matitigas ang ulo pero kapwa sila magtatagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa 2006, 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang maraming pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 6,9, 12, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero otso (8) at singko (5) ang buwenas mo; No.6 at No.3 sa mister mo; No. 7 at No.6 sa panganay; at No.3 at No.1 sa bunso. Sa jai alai, isama mo sa No. 8 at No. 5 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-28-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-19-22-23-29-34-37-38-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-2-1/ 2-3-7/ 6-digit: 3-2-4-7-8-2/ 7-8-2-3-2-1/ 7-3-4-2-2-2. Bingo Mystery Eight: 3-15-33-44-56-68-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

Friday, September 16, 2005

red n' gray

Tumbok (18Sept05)

Dear Oliver,
Nais ko pong malaman ang mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at trabaho sa takbo ng aking buhay. Ako po ay palagi na lang malas sa trabahong aking pinapasukan.Pinanganak ako June 9,1970. Magiging maswerte kaya ako sa susunod na trabaho o sa negosyo? Ano kayang negosyo ang swerte sakin? Bigyan moko ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ang swerte kong taon,buwan at petsa? Bigyan mo din ako ng buwenas sa numero lalo na sa pagtaya ng lotto.

Warm regards,
Dawn-Makati (gadesopdawn@yahoo.com)

Dear Dawn-Makati,
TAGLAY mo ang mahiwagang kulay pula at abuhin. Ang pula ay nagtutulak sa iyo upang mapagitna sa mga intriga at ang mga sigalot na kinapapalooban mo ang madalas mong ma-misinterpret na isang malas! Madali kang maimpluwensiyahan ng ibang tao kaya’t napupurnada ka at nawawalan ka ng identity na magpapahamak sa iyo at mawawalan ka ng direksiyon. Dapat ay matuto kang magkaroon ng disposisyon at malinaw na malinaw na direksiyon sa buhay. Kapag wala kang espesipikong pangarap at nagpapatangay ka lang sa agos ng buhay—tiyak na bigo at malas ang aabutin mo. Hindi ka dapat magpatumpik- tumpik, kumilos ka at gamitin ang kapangyarihan ng kulay pula at gray. Magdidikit ka sa matatagumpay at malalakas ang loob upang mahawa ka sa kanilang buwenas. Lumayo sa mga bigo, malulungkutin at nagdarahop—matuturuan ka nilang maging duwag, mahina ang loob at katamaran. Magsuot ka lagi ng kulay pula at gray upang mahigop mo ang buwenas. Buwenas ka sa negosyo na may mahigpit na kumpitensiya tulad ng mga seasonal products. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Setyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero nuwebe (9) at singko (5) ang masusuwerte mong numero.
Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-6-11-19-23-25-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 7-8-3/ 1-2-4/ 7-8-3/ 6-digit: 3-2-3-2-1-2/ 6-7-2-2-3-2/ 1-3-5-2-5-2. Bingo Mystery Eight: 3-7-34-44-56-67-70-73. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30--

Wednesday, September 14, 2005

black sa computer shop

Tumbok (16Sept05)

Dear Oliver,

Magandang araw po. Sana nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap mo ng email kong ito. Sumulat ako sa inyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng tulong at payo kung paano namin mapabuti ang kalagayan namin ngayon. Ako po ay isinilang noong October 8, 1975 at ang asawa ko po na isang sundalo ay isinilang noong December 10, 1975. Mayroon kaming isang anak na lalaki at isinilang naman noong November 15, 2003. Sa kasalukuyan ako po ay nagtatrabaho sa isang computer school dito sa Iligan City. Ngunit dahil sa liit lamang po ng sweldo napag-isipan naming mag-asawa na magtayo ng sariling negosyo. Ang computer gaming shop namin ay na-open noong October 8, 2004 kasabay ng aking ika dalawampu't siyam na kaarawan. Sa ngayon po ay medyo mahina ang aming negosyo, marami kasi kami doon. Ano po kaya ang pwede kong gawin upang mapalago ito? Swertehin po ba kami sa negosyo? Dapat ko po bang ipagpatuloy ang aking pamamasukan o dapat kung pagtuunan ng pansin ang pagnenegosyo? Ano po bang negosyo ang swerte para sa amin? May plano po kasi akong i-expand yong negosyo ko at lagyan ng internet services. Pakihingi na rin po ng numero na pwede naming tayaan sa lotto at jai alai. Sana po matulungan ninyo kami. Salamat po sa pagbasa at pagsagot ng e-mail kong ito.

ARLENE NG ILIGAN CITY (arlenec@yahoo.com)

Dear Arlene,

ITIM at dilaw ang mahihiwaga mong kulay. Konsentrasyon, disiplina at malinaw na plano ang susi sa iyong pag-unlad.Extreme ang itim kaya’t kung hindi organisado ang iyong pagkilos at hindi ka marunong magsakripisyo, negatibo ang iyong mararanasan kung saan sobrang lungkot ang iyong mararamdaman. Pero kung kalmante ka, nakapokus sa negosyo ang buong atensiyon at walang anumang bisyo’t walang inaaksayang mahalagang panahon, walang duda na magtatagumpay ka. Gumamit ka ng logo ng kidlat na kulay dilaw na may background na itim na itim. May mainam kung kukulayan mong kulay dilaw ang computer shops at kombinasyon mo ng guhit na itim. Sikapin mong gumawa ng dagdag na serbisyo o inobasyon sa puwesto bawat buwan.Tama ang paglalagay ng internet service at kailangang nakakasabay ka sa mga bagong teknolohiya—walang duda na makakaangat ka sa negosyo.Ituloy mo lamang ang nasimulan at huwag na huwag kang babago ng larangan kahit makaranas ng matitinding problema, bahagi kasi yan ng pagsisimula.Ang sanggol na ipinanganak ay nakakaranas ng sobrang hapdi at hirap ang kanyang ina. Itim din at dilaw ang buwenas ng mister mo kaya’t madalas kayong makaranas ng kakaibang lungkot at maging negatibo—kailangang matalo ninyo ang ganyang ugali. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 16, 17, 24 at 26 partikular kapag natapat sa araw ng Sabado at Linggo. Numero otso (8) at kuwatro (4)ang buwenas mo.Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-20-24-29-31-34-37-40-42. Triple Number: 3-6-7/ 1-2-4/ 8-9-2. 6-digit: 6-9-2-6-3-4/ 8-9-2-2-1-5/ 8-2-4-1-5-1. Bingo Mystery Eight: 4-17-23-37-56-68-70-72. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

Tuesday, September 13, 2005

blue at yellow

Tumbok (15Sept05)

Dear Oliver,

ISA akong tindero sa bangketa pero maliit lang ang kita ko kasi’y marami rin ang nangongotong dito. Nagtitiyaga ako kasi’y wala akong alam na ibang trabaho. Ito ang ibinubuhay ko sa pamilya ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1970. Bigyan mo ako ng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

LANDO NG LAHUG, CEBU CITY

Dear Lando,

ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Sikapin mong mapanatag at makalmante sa gitna ng mga problema upang makapagdesisyon ka nang maayos. Mula sa perpektong desisyon ang iyong ikapagtatagumpay kaya’t iwasan mong magulo ang iyong isip.Matuto kang magpatawad sa kapwa at umunawa sa mga nagkakasala sa iyo upang malinis mula sa pagkamuhi at galit ang iyong puso—ikaw rin kasi ang mapapahamak kapag inaalipin ka ng negatibong emosyon! May sobra-sobra kang enerhiya dulot ng mahiwagang kulay dilaw kaya’t maaari kang pumasok sa mga 24-hour service-oriented business tulad ng lugaw-lugaw o pagtitinda hanggang madaling araw. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Numero tres (3) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-14-19-23-27-34-36-40-42-45. Triple Number: 3-2-7/ 7-8-2/ 1-4-8/ 8-2-6. 6-digit: 3-2-6/ 7-8-2/ 1-3-5. Bingo Mystery Eight: 3-7-34-44-56-69-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa blue at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang nuwebe (9) kapag nakasulat sa puti at nasa hulihan ang sais (6). Okey ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at uno (1).
----30--

Monday, September 12, 2005

buwenas ni ma'am

Tumbok (14Sep05)

Dear Oliver,

Isa po akong masugid na tagapagsubaybay ng inyong column. Isa po akong titser, dalaga at ipinanganak noong July 21, 1969. Humihingi po ako ng tulong na sana mabigyan mo ako ng mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan, petsa at araw. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad, hindi sapat ang kinikita ko sa pagtuturo. Anong negosyo kaya ang puwede kong pasukin, at ano ba ang mga buwenas na numero na puwede kong tayaan sa lotto. Sana matugunan mo itong liham ko. Mabuhay at maraming salamat.

BING NG GENSAN CITY (giebing@yahoo.com)

Dear Bing,

MARAMING salamat sa paggamit mo ng internet address. Mas magaan kasi ito at mas mabilis sagutin. Kulay asul at itim ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kapanatagan ang ipinahihiwatig ng asul at tulad ng malawak at bughaw na kalawakan sa panahon ng tag-araw, walang limitasyon ang iyong talino at talento na dapat mong malinang at mapagamit sa produktibong aktibidad. Marami kang kakaibang ideya na kung maipatutupad ay magkakamal ka ng malaking halaga at giginhawa sa buhay. Gayunman, nadidiskaril ito ng iyong pagiging negative thinker na impluwensiya naman ng mahiwagang kulay itim. Sakaling talunin mo ang lihim na kalungkutang ito, sa pamamagitan ng pagpokus sa isang larangan at pagkakaroon ng konsentrasyon kasabay ng matinding disiplina at malinaw na plano--mabilis kang makakarekober at magtatagumpay. Kailangang matukoy mo nang malinaw kung anong klase ng buhay ang nais mong mangyari o maganap sa hinaharap.Ibuhos dito ang buong atensiyon at walang duda na magagawa mo ito gaano man kaimposible sa pananaw ng ibang tao. Isa kang trend setter. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa lupa kaya't maaari kang pumasok sa real estate brokerage o agribusiness. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2007 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at paglagay sa tahimik kapartner ang isang lalaki na makikilala mo sa isang espesyal na okasyon. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero tres (3) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-17-23-26-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-20-23-26-34-36-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-2-4/ 1-2-5/ 7-8-3. 6-digit: 3-2-3-7-2-1/ 7-2-3-2-1-2/ 6-8-2-2-3-2. Bingo Mystery Eight: 3-16-23-36-47-57-70-75. Mapalad ang singko (5) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30---

Sunday, September 11, 2005

istambay

Tumbok (12Sept05)

Dear Oliver,

Magandang araw po sa inyo! Lately ko lang po
nababasa ang kolum nyo at ako po ay nagkainteres na
humingi po nang tulong sa inyo.Gusto ka po sanang
malaman kung ano po ang masusuwerteng kulay para
umasenso at magkaroon nang magandang kinabukasan. May
anak na po ako at may balak pa lang kaming magpakasal
ng asawa ko. Kasalukuyang wala po akong trabaho at nahihirapan pong
maghanap.May inaplayan na po ako kaso hanggang ngayon
di pa po ako tinatawagan. Palagi naman ang follow-up
ko kaso para pong ang hirap kong magkatrabaho. Ang
birthday ko po ay Dec. 26, 1975. Kung pwede rin po,
sana mabigyan nyo ako ng masusuwerteng numero para
matayaan ko sa lotto atbp. Kailan po kaya ako
makakapag-abroad para sumAgana naman kahit papaano
buhay namin nang mag-ina ko.

Raymond of San Juan, Metro Manila

Dear Raymond,

ITIM at maroon ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Extreme ang mga magaganap sa iyong buhay. Mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Yung bang tipong pang-Guiness book of world records, kakaiba ang iyong lungkot, pero ang lahat ng ito ay mareresolba mo. Disiplina, konsentrasyon at malinaw na plano ang susi sa iyong pag-unlad kasi’y taglay mo ang mahiwagang kulay itim. Kapag hindi ka nagambala ng iyong paligid, makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pananagumpay kabilang ang pagkakaroon mo ng matatag na trabaho at pagtatrabaho sa ibang bansa.Mag-apply ka lang nang mag-apply kasi’y biglang darating ang malaking buwenas. Magaganap ito sa pagsapit ng taong 2006, 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 18, 20, 24, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes.Magsuot ka lagi ng damit na may kombinasyon ng berde, maroon at black tuwing maga-apply ng trabaho. Numero otso (8) at sais (6) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 18, 22, 28, 33, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-15-19-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-7-2/ 1-5-8/ 8-2-3/ 2-4-7. 6-digit: 2-1-2-2-6-2/ 1-3-2-7-2-5/ 7-8-2-5-2-1. Bingo Mystery Eight: 4-7-16-34-56-68-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

Friday, September 09, 2005

dalagang ina

Tumbok (10sept05)


Dear Oliver,
I was born on the 24th of November. August 17, 1980 ang birthday ng bf ko. Dalaga akong ina sa isang pitong taong gulang na batang lalaki na isinilang noong Marso 21, 1998. Tatlong taon na kaming steady ng bf ko sa Enero 20, 2006. Plano na naming magpakasal, ano ang buwenas na petsa para ditto? Pero sa totoo lang, wala pa kaming panggastos para ditto. Kapwa kami may trabaho pero maliit ang suweldo, ano ang suwerteng negosyo para sa amin? Okey ba ang parlor o restaurant para sa amin? Bigyan mo ako ng mahihiwagang kulay at numero. Mahilig akong tumaya sa bingo, at lotto, bigyan mo ako ng pampabuwenas ditto. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.

MS. SAGGY (alvarez@yahoo.com)

Dear Ms. Saggy,
HINDI mo ibigay ang year kung kalian ka ipinanganak. Gayunman, taglay mo ang mahiwagang kulay maroon at asul. Nagsasabi ito na ikaw ay may strong personality kaya’t madalas mong akalain na kontrolado mo ang lahat ng sitwasyon pero ito mismo ang ugat kung bakit ka napapahamak at nagkakaproblema. Sobra ang tiwala mo sa sarili mo.Dapat ay maging praktikal ka at mag-isip muna ng 10 beses bago magdesisyon upang hindi magmali. Taglay ng BF mo ang mahiwagang kulay itim at berde pero likas siyang malulungkutin at may pagka-negative thinker. May tendensiya siya na matakot magkamali kaya’t nabibigong magdesisyon sa angkop ng panahon. Maari kayong maiwanan ng panahon kung siya ang aantayin mo. Ikaw pa rin ang dapat kumontrol ng inyong buhay. Magandang taon ang 2007 sa pag-aasawa, palampasin ninyo ang buong 2006 upang makaiwas sa problema.Mainam ang Marso, Abril at Mayo sa pag-iisang dibdib lalo na sa mga petsang 1, 10, 19 at 28 particular kapag natapat sa araw ng Linggo. Puwede naman ang parlor pero mas epektib kung idikit ninyo ditto ang mini-snack bar. Huwag mangutang ng puhuhan at magsimula lamang sa maliit na puwesto.Pinturahan ang paligid ng maroon, asul at berde—iyan ang buwenas ninyo. Isama ang itim bilang pang-elegante sa mga kakaibang decorative item. Sa bingo, tumaya sa mga puwesto malapit sa terminal o may katabing punong kahoy. Hanapin ang numerong 2, 7, 15, 34, 47 58, 66 at 70. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 18, 23, 27, 34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-19-22-25-29-31-34-38-40-42. Triple Number: 3-6-7/ 7-8-2/ 1-2-9/ 6-digit: 2-6-2-5-2-5/ 6-8-2-2-1-2/ 1-2-1-2-1-5. Bingo Mystery Eight: 3-16-33-44- 56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakamarka sa pink at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
----30---

Thursday, September 08, 2005

dilaw at asul mahiwaga

Tumbok (09Sept05 issue)

Dear Oliver,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1978. Isa akong cashier sa isang mall pero maliit lang ang kita ko. Dalaga pa ako at panganay sa limang magkakapatid. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Makakaahon pa kaya ako sa hirap? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

ANDREA NG DAVAO CITY

Dear Andrea,
ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Kapanatagan at kapayapaan ang ipinahihiwatig ng asul na kulay ng bughaw na kalangitan at malawak na karagatan sa panahon ng tag-araw. Nangangahulugan ito na mahirap sukatin ang lalim ng iyong iniisip kaya’t likas na matalino ka at matalas ang imahinasyon kung saan dapat na magamit mo at malinang tungo sa pag-unlad.Susi sa mga problema mo ang pagiging kalmante upang makapagdesisyon ka nang maayos at tumpak na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Kapag magulo ang isip mo, puro mali ang desisyon kaya’t magkakabuhol buhol ang suliranin at lalala pa ang mga sitwasyon. May pambihira kang resistensiya at lakas—gamitin mo ito upang umunlad ka sa pamamagitan ng dagdag o ekstrang aktibidad tulad sa gabi, umaga o mga oras at araw na wala kang pasok. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan at paglagay sa tahimik. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 7, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero tres (3) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-5-11-18-23-27-30-34-35-37-40-42. Triple Number: 4-5-2/ 7-8-2/ 1-3-5. 6-digit: 3-2-3-6-2-5/ 6-7-2-1-2-3/ 8-9-2-2-3-2. Bingo Mystery Eight: 3-7-23-36-44- 67-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa berde at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
----30--

Saturday, September 03, 2005

asul, berde

Tumbok (05Sep05issue)

Dear Oliver,
ISA akong superbisor sa isang kompanya pero wala pa akong asawa. Hindi ko kasi malimutan ang mga lalaking nanloko sa akin kaya’t umiwas na ako na makipag-steady. Makapag-aasawa pa kaya ako? Bigyan mo ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 3, 1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

BENILDA NG GENERAL SANTOS CITY

Dear Benilda,
ASUL at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kapanatagan at kapayapaan ang ipinahihiwatig ng asul na kakulay ng kalawakan sa panahon ng tag-araw at malawak na karagatan. May likas kang talino at talento na dapat mong ingatan at linangin upang magamit mong ito sa kapakinabangan mo. Ang berde ay kakulay ng dahon at nangangahulugan ng kasariwaan at kasiglahan. Maari kang pumasok sa mga negosyo na 24-hour service. Nakasandal ang iyong tagumpay sa mga taong nasa paligid mo. Matuto kang makisama o makihalubilo dahil ang mga kaibigan mo ang mag-aangat sa iyo. Makikilala mo ang iyong Prince Charming sa isang espesyal na okasyon kung saan mauuwi sa kasalan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007, 2009 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at paglagay sa tahimik. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 28, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Buwenas ka sa numero tres (3) at dos (2). Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-17-20-23-27-30-31-37-40-42. Triple Number: 4-5-1/ 1-3-7/ 8-9-3. 6-digit: 3-4-3-1-2-6/ 7-8-2-1-2-5/ 3-2-1-6-8-2. Bingo Mystery Eight: 4-12-23- 33-44-58-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa asul at nasa unahan ang siete (7). Okey ang singko (5) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang sais (6) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30--

dilaw at itim

Tumbok (04sept05 issue)

Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 22, 1970. Tapos ako ng civil engineering course pero hindi ako nakapasa sa board. Namamasukan ako ngayong senior draftsman kasi’y hindi ako makakuha ng magandang trabaho. May tatlo akong anak pero baon ako sa utang. Balak kong magtayo ng computer rentals, magklik kaya ito? Ano ba ang buwenas na kulay na maaaring gamitin sa puwesto? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


CELSO NG BACOLOD CITY

Dear Oliver,
DILAW at itim ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng pambihirang enerhiya ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay may malusog na pangangatawan o kalusugan kung saan magagawa mong pagsabayin ang tatlong magkakaibang larangan kung saan pawang mapagbubuti mo at makakaangat ka sa pinakamataas na antas ng pananagumpay. Ang itim ay nagbabadya ng isang matinding pagsubok pero malalampasan mo kung saan maimamarka mo ang pambihirang tagumpay na mahirap maranasan ng ordinaryong tao.Puwede mong ituloy ang computer rentals at gamitan mo ng dilaw ang dingding at gray ang kisame, sa logo, gumamit ka ng itim na background kung may makinang na ilaw na kulay dilaw—iyan ang magbibigay sa iyo ng buwenas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008, 2010 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Setyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero kuwatro (4) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-19-20-24-26-28-34-37-40-42. Triple Number: 5-7-2/ 1-6-9/ 3-6-2/ 6-digit: 3-8-2-2-5-1/ 7-8-2-2-5-2/ 8-9-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight; 4-8-11-19-34-47-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa asul at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang otso (8) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
---30--