Friday, December 02, 2005

van ang pangarap (04dis05)

Tumbok—04dis05

ATTENTION: TUMBOK C/O RONI
From; Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Nais ko rin humingi sa iyo ng panghatak o suwerte sa pangaraw-araw ko. Oliver, gusto ko sana malaman ang lucky number ko at color.May asawa at 2 anak ako. Pareho kaming may matatag na trabaho pero kapus pa rin. Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng pampamilya na sasakyan na isang van. Pero hanggang pangarap na lang ba ito? Nasa private school ang 2 kong anak.Oliver, anong kurso ba ang pwede namin ipakuha sa kanila. Ang panganay ko gustong mag- nursing,mapapagtapos ko po ba sila? Oliver kapag may hawak na kaming pera balak na namin bumili ng sasakyan pero hindi natutuloy dahil sa tuition ng 2 kong anak.Oliver ipinanganak ako noong July 29,1968 . Ang panganay ko ay November 9, 1989 at ang bunso kong anak ay April 16, 1992. Ano po ba ang kanilang taglay na mga mahiwagang kulay at numero para magamit namin mag anak para makahatak ng suwerte. Sumulat na ang mrs. ko pero hindi niya ito naitanong ang para sa akin at mga anak ko. Oliver sa nga numero na ibibigay mo sa akin at sa aking mga anak pwede ba ako na lang ang tumaya sa lotto at jai alai dahil menor-de- edad pa sila.

NANDING (nanding2005@yahoo.com)

Dear Nanding,
BERDE at maroon ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Buwenas ka sa No. 2 at No. 6. Maraming tao ang magkukusa na tulungan. Isang kamag-anak ang mag-aalok sa iyo ng tulong upang gumaan ang iyong buhay. Walang duda na matutupad ang pangarap mong magkaroon ng van alinman sa masuwerte mong taong 2007 at 2009 kung saan matutupad din ang marami mong pangarap. Kulay pula at berde ang buwenas ng panganay, tama ang kurso niya—ay walang duda na matatapos niya ang kursong nursing. Number 9 at No. 2 ang buwenas ng panganay. Kulay berde rin at gray ang buwenas ng bunso na tiyak na makapag-aabroad kung nanaisin niya. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 12, 16, 23, at 29 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No.2 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa 3, 8, 11, 17, 23, 25, 30, 34, 36 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-10-12-17-20-23-26-30-34-38-40-42. Triple Number: 5-8-2/ 2-1-5/ 7-8-2/ 8-9-2. 6-digit: 3-6-9-2-1-2/ 8-9-2-2-4-1/ 6-8-9-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 4-14-23-36-56-68-70-73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa orange at nasa hulihan ang uno (1).Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9)at dos (2).
----30--

kalmante lang (03dis05)

Tumbok—03dis05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Ako po ay tubong Sorsogon, at isinilang noong Nobyembre 3,1967. Nais ko pong hingin ang inyong atensyon sa pamamagitan ng pagpansin sa email kong ito. Kasi po matagal ko nang gustong magpadala sa inyo kaya lang laging nauudlot pero ngayon malaya na akong nakapag-email sa inyo. Kaya sana naman po ay mapag bigyan ninyo ang hiling kong mailathala ninyo ang email kong ito sa inyong kolum. At yung mga masuwerteng numero at mga petsang para sa akin at ganun din ang kulay , mayron pa po bang nalalabing katagumpayan ang naghihintay sa amin salamat po!

JOSE (demajose@yahoo.com)

Dear Jose,
ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Katahimikan at kapanatagan ang ipinahihiwatig ng asul. Nagsasabi ito na kailangan mong makalmante upang makapagdesisyon ka nang maayos na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Ang mga bigo ay ang mga taong lagging mali ang desisyon bunga ng magulong isip pero ang matatagumpay ay ang mga taong lagging tumpak ang desisyon na nagmumula sa panatag na puso, isip at kaluluwa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran particular sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 12, 16, 23, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero tres (3) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-24-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-4-11-18-23-24-26-34-36-38-40-42. Triple Number: 5-6-2/ 1-3-6/ 8-9-2/ 3-4-7. 6-digit: 5-4-5-7-2-1/ 3-5-2-5-2-5/ 8-9-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 2-14-34-47-59-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa brown at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
---30--