Tuesday, May 30, 2006

Grey n black

( for TUMBOK, June 01 issue)

Dear Oliver,
Regular akong nagbabasa ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong pitsa, bulan at taon? Ipinanganak ako noong March 23, 1989. Bigyan mo ako ng buwenas na numero sa lotto, jai alai at suwertres.

ELRIN (slipdunk@yahoo.com)

Dear Elrin,
TIPIKALA sa tulad mong may mahiwagang kulay gray o abuhin ay magpatangay na lamang sa agos ng buhay kaya't mahalagang magkaroon ng direksiyon ang iyong mga ikinikilos. Natutukso ka sa pakikipagsapalaran kasi'y nararamdaman mong tumpak ang iyong mga kutob, sapantaha at espekulasyon na siya rin mismong magiging pundasyon sa iyong pag-unlad. Dapat ay magtayo ka kahit maliit na negosyo at walang duda na mapapaangat mo ito. Pero buwenas ka rin sa mga sugal pero kailangang maging kalmante ka at panatag ang kalooban. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay itim kaya't nadidistorbo ka ng lihim na kalungkutan pero sa katagalan ay matutuhan mo na ang sekreto ng buhay. Uunlad ka sa pagdating ng middle age kaya't dapat kang mag-abroad dahil naroroon ang buenas mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 pero uulit sa 2008 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo at hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero singko (5) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-18-23-27-34-37-40-42. Sa suwertres, puwede ang 7-8-3/. 1-6-2. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-14-18-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 8-9-2/ 1-4-2/ 4-3-7.6-digit; 3-2-3-7-5-1/ 8-9-2-1-2-1/ 3-2-3-7-2-1. Bingo Mystery Eight; 1-7-22-34-47-67-70-73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
------30--

Sunday, May 28, 2006

Marun n yelo

(for TUMBOK, May 31 issue)

Dear Oliver,
MAHILIG akong magbasa ng kolum mo at nais ko ring malaman ang mahihiwagang taon, buwan at petsa na magbibigay sa akin ng magandang kapalaran. Ipinanganak ako noong Agosto 15, 1988. Apat po kaming magkakapatid at ako ang panganay. Isa rin po akong student. Mahilig akong tumaya sa lotto at nais kong bigyan mo ako ng numero dito at sa jai alai. Ano ba ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang lucky number ko.
LENZY (lenxzy@yahoo.com)
Dear Lenzy,
MAROON at yellow ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Kulay ng natutuyong dugo ang maroon na nagsasabi na masarap kang magmahal, emosyonal at karaniwang nabubuyo ng kapwa tao. Umiwas ka sa masasamang kaibigan at impluwensiya. Mas mainam kung ipopokus mo ang iyong atensiyon sa mga aktibidad na kikita ka nang malaki tulad ng services. Sikapin mong kumita nang maayos tulad ng pagsali sa negosyo ng electronic load. Sa maliit lang puhunan, masasanay ka sa pagnenegosyo hangga't bata ka pa. Magkakaroon ka ng maraming karelasyon kaya't dapat na maging maingat ka sa pakipag-ulayaw sa opposite sex upang hindi ka mapahamak tulad ng maaagang pag-aasawa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng pagtatapos ng pag-aaral at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero sais (6) at uno (1) ang buwenas mo.Sa jai alai, isama mo ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-35-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-15-19-23-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-2/ 2-6-5.6-digit: 2-1-2-6-7-2/ 8-9-2-1-2-1/ 5-2-1-2-2-1. Bingo Mystery Eight: 2-14-34-46-55-60-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa berde at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa orange at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
---30--

Pula't dilaw

(for TUMBOK, May 30 issue)

Dear Oliver,
HINDI akong nagsasawa na sundan ang iyong kolum kasi'y marami akong natututuhan. Bigyan mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Pebrero 27, 1970. Isa akong dating OFWs pero hindi na ako matanggap ngayon kahit gusto ko nang bumalik sa ibang bansa. Overaged na raw ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

PERCY NG TORIL, DAVAO CITY
Dear Percy,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay pula ay mawalan ng direksiyon sa buhay o maaksaya ang mahahalagang panahon. Pero sa bandang huli ay mabilis ding nakakarekober at sorpresang nakakaangat tungo sa ibayong pag-unlad. Kailangang maging praktikal ka at makakatotohanan sa pagtatakda ng mithiin. Gawing simple lang ang mga bagay at walang duda na makakaangat ka. Mas makabubuting magnegosyo ka at pumasok ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw dahil taglay mo rin ang mahiwagang kulay dilaw. Maari kang mamakyaw o magnegosyo ng dried products tulad ng tuyo, daing, tsitsaron at mga processed foods gaya ng tocino, longganisa at iba pa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Numero nuwebe (9) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12:3-7-8-13-16-24-26-30-34-37-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 7-8-3/ 1-4-5/ 7-2-1.6-digit: 3-2-3-6-3-1/ 8-8-2-1-2-1/ 2-1-2-6-7-2. Bingo Mystery Eight: 1-5-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang siete (7). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang dos (2) kapag napagitna sa sais (6) at nuwebe (9).
------30--

Saturday, May 27, 2006

berde-t dilaw

(for TUMBOK, May 29 issue)

Dear Oliver,
NAGKAHIWALAY kami ng mister ko. Kasi’y nanghihimasok ang aking biyenan sa takbo ng aming buhay. Nag-tig-isa kami sa aming dalawang anak.Umuwi na lamang ako sa mga nanay ko. Nakikisukob kasi kami sa bahay ng mga biyenan ko. Ipinanganak ako noong Agosto 4, 1970. Ano baa ng mahihiwagang kulay at numero na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

EVELYN NG ILOILO CITY

Dear Evelyn,
DILAW at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng sinag ng araw ang dilaw kaya’t walang duda na puspos ka ng enerhiya na magagamit mo sa pag-unlad. Pero ang pinakamahalaga sa lahat, may pambihira kang buwenas na makakamit nang hindi mo inaasahan tuwing ikaw ay nasa gitna ng wagas na katiwasayang ng puso, isip at kaluluwa. Dahil diyan, ipinapayo sa iyo na maging aktibo sa larangan ng relihiyon kung saan makakatagpo ka ng kapanatagan. Maraming problema ang kusang malulutas nang hindi mo inaasahan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2009 kung saan muling mabubuo ang pamilya kasabay ng pagkakaroon ng sariling bahay at lupa. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Biyernes. Numero kuwatro (4) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-7-11-18-20-23-25-27-34-36-40-42. Triple Number: 3-6-8/ 2-1-4/ 5-6-8/ 1-2-8.6-digit: 3-2-3-6-7-1/ 8-9-2-1-2-7/ 3-2-6-9-2-1/ 1-2-1-6-2-4. Bingo Mystery Eight: 1-6-33-45-57-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa brown at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30-

Friday, May 26, 2006

Lucky black

(for TUMBOK, May 28 issue)

Dear Oliver,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. May apat akong anak pero nagkahiwalay kami ng asawa ako. Naghati kami sa aming anak at napunta sa akin ang dalawang bunso. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong cashier sa isang fastfood chain. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Hulyo 17, 1968. Makapag-asawa kaya ako muli? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
MERLITA NG CEBU CITY
Dear Merlita,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay itim ay nakakaranas ng matitinding dagok ng buhay na kung mapupunta sa ordinaryong tao ay maaaring hindi makayanan. At iyan mismo ang unang indikasyon na ikaw ay may pambihirang kapangyarihan na wala sa ordinaryong tao. Hindi ka ba nagtataka at nalampasan mo ang nakaririnding problema sa nagdaang mga araw? Tama ka, nakalusot ka dito nang halos hindi mo mapaniwalaan. Ganyan din darating ang malalaking buwenas at oportunidad na hindi mo rin halos mapapaniwalaan. Matutupad ang iyong mga malaimposibleng pangarap. Pero kailangan mong makalmante at mapanatag upang sa pagkatok ng pambihirang oportunidad ay nasa wasto kang kondisyon upang ito ay masunggaban mo agad at hindi na dapat pakawalan. Isang desenteng lalaki ang mag-aalok sa iyo ng pag-ibig at hindi mo na dapat tanggihan na magpapabago ng takbo ng iyong buhay. Magaganap ito sa pagsapit ng mapapalad mong taon, tulad ngayon, 2006 pero uulit sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon muli ng kapartner at matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Hulyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Sabado. Numero otso (8) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-19-23-25-30-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12:1-5-11-18-23-24-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 5-6-1/ 8-9-2/ 6-2-1/ 8-4-5. 6-digit; 3-2-3-5-8-1/ 4-3-2-7-1-2/ 8-9-2-4-1-1. Bingo Mystery Eight; 5-14-34-47-55-67-70-73. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa violet at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
----30--

Wednesday, May 24, 2006

Isang lider

(for TUMBOK, May 26 issue)


Dear Oliver,

HINDI ako lumiliban sa pagbabasa ng kolum mo. Kakaiba kasi ito. Bigyan mo rin ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong kamadrona pero kakaunti na ang nagpapahilot sa akin. Nagtayo na lamang ako ng maliit na karinderia upang mabuhay ko ang aking limang anak. Biyuda na ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1967.


LUCILA NG CAGAYAN DE ORO CITY


Dear Lucila,

TIPIKAL sa tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay asul ay masarap magmahal, ambisyoso at nagiging lisang lider. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay dilaw kaya't walang duda na matutupad ang marami mong pangarap. Pero, mistulang magdaraan ka muna sa serye ng mga pagsubok o aktuwal na matitinding dagok ng buhay na magsisilbing initiation rites mo tungo sa pag-angat sa pinakamataas na antas ng pananagumpay. Sa katagalan, matutuklasan mo ag formula sa pagreresolba ng mga problema kaya't walang duda na magtatagumpay sa pagsapit ng middle age. Ituloy mo lamang ang iyong mga pagsisikap kasi'y makapagtatayo ka ng malaking negosyo. Mas mainam kung hahaluan mo ng specialty products ang tindahan tulad ng medicina o mga pambihirang gamot o supplements. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 28 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Biyernes. Numero tres (3) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-24-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-11-18-23-25-28-32-34-36-40-42. Triple Number: 3-6-8/ 1-3-9/ 5-3-7/ 1-3-7. 6-digit: 2-1-2-4-7-2/ 7-8-1-1-2-4/ 9-2-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 1-6-23-45-57-66-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa asul at nasa unahan ang sais (6). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).

----30--

Tuesday, May 23, 2006

Kakaibang buwenas

(for TUMBOK, May 25 issue)

Dear Oliver,
HI po, tubong Meycauayan, Bulacan ako. Itatanong ko lang po ang mahiwaga kong kulay at numero,. Bigyan mo rin ako ng anunsiyo sa jai alai at lotto. Ang b day ko po ay Jan 13, 1986 at itatanon ko po kung tatama po ba ako sa lotto. Magiging suwerte po ba ako sa buhay .Ano baa ng masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.

EDWARD (sexme@yahoo.com)

Dear Edward,
TIPIKAL sa tulad mong sinasaniban ng mahiwagang kulay dilaw ay makaranas ng mga pambihirang karanasan kaya’t nagugulo ang diskarte. Pero sa kabila ng lahat, magugulat ka kasi’y nakakaabsuwelto ka at nakakaraos sa ilang maseselang problema na madalas mong akalaing hindi ka na makakalusot pa. Tama ka, may pambihira kang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Yun nga lang, hindi ordinaryo ang iyong kalungkutan at mga problema na magiging kakambal ng iyong buhay hanggang sa pagtanda.Kung gayon, kailangang matuto kang tumanggap na mapapait na katotohanan ng buhay kaya’;t sa pagsapit ng maturity o middle age—doon lamang magsisimula ang iyong ganap na pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2009 dahil taglay mo rin ang mahiwagang kulay berde. Marami tao ang kusang tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema. Sa mga taong iyan, isang oportunidad ang iaalok sa iyo na siyang magpapabago sa takbo ng iyong buhay tungo sa pag-unlad. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 6, 9, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Numero kuwatro (4) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-17-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-6-11-19-23-26-30-34-36-38-40-43. Triple Number: 4-8-1/ 5-4-8/ 8-2-5.6-digit: 4-3-2-6-2-1/ 8-9-2-2-1-3/ 2-6-1-5-2-4. Bingo Mystery Eight: 3-15-22-33-45-57-60-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30-

Wednesday, May 10, 2006

Pula't berde

(for TUMBOK, May 11 issue)

Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1975. Dalaga pa ako kasi’y panganay ako sa limang magkakapatid. Naulila kami sa ama nang maaga at maysakit ang nanay ko. Isa akong modista at namamakyaw ako ng tahiin sa mga garment factory. Nakapagpundar ako ng limang unit ng sewing machine pero baon ako sa utang sa Bumbay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Okey ba ang napasukan kong negosyo? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MIRIAM NG CEBU CITY
Dear Miriam,
PULA at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Okey naman ang napili mong larangan pero kailangang sumabay ka sa uso at saliksikin mo ang mga moda o mga produkto ng iyong mga karibal. Kapag naisabay mo sa uso ang iyong mga tahi—walang duda na mabilis kang uunlad. Kailangang makatas ang iyong kakayahan, talino at talas ng iyong imahinasyon sa pagdedesenyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan isang kilalang tao ang mag-aalok sa iyo ng puhunan upang makaunlad. Sa panahon iyan din magkakaroon ka ng pagkakataon na makapag-asawa at diyan na magsisimula ang iyong ibayong pag-unlad. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 13, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Numero nuwebe (9) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-25-30-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-19-23-24-25-29-34-36-40-42. Triple Number: 4-3-6/ 8-9-2/ 1-3-7/ 2-6-5.6-digit: 3-2-3-5-7-1/ 7-8-2-2-3-2/ 5-4-4-5-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-7-23-35-56-69-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa brown at nasa unahang siete (7). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang singko (5) . Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

Monday, May 08, 2006

Wanted: Husband

(for: Tiktik, for May 09 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa pa akong makapag-asawa. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1960. Naiinip na ako at sa totoo lang, hindi ko mautusan ang sarili ko na magmahal. Pero, ngayon. Hindi na ako gaaanong mamimili basta’t may makasama lang sa pagtanda. May maliit akong patahian at isa akong modista. Hindi naman ako gaanong mataba. May “asim” pa rin. Hi, hi, hi. Puwede bang magamit ang kolum mo sa paghanap ng kaibigang lalaki? O prospect? Okey ba ang negosyo ko? Ilan ang aking magiging anak kung mag-aasawa ako? Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa?

DORIS NG ALABANG, MUNTINLUPA

Dear Doris,
DON’T panic! Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Hindi naman dapat na magbara-bara ka sa pagpili. Kailangang makilala mo rin siya nang maayos, siyempre may extra effort ka rin dapat upang mapalapit siya sa iyo at ikaw sa kanya. Walang duda na makakatagpo ka ng iyong makakasama sa habang buhay. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliiit). Nagsasabi ito na ikaw ay iibig pero minsan lang. Masarap kang magmahal at makakabuo ka rin ng isang masaya at masaganang pamilya. Magkakaroon kayo ng isang anak na lalaki. Nagsosolo rin kasi ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magiging propesyunal ang iyong anak. Okey naman ang iyong negosyo at sa totoo lang, mapapalaki mo ito at magkakaroon ka ng branch sa ibang lugar dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng index finger). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Malaya na ang mga readers natin na mag-reply sa iyong liham at kung sino man ang interesado na maging kaibigan ka ay ibibigay ko na lamang ang iyong address.
----30--

Kabayo sa dream

(for: Tiktik, May 09 issue)

Dear Don Honesto,
ANO ba ang ibig sabihin kapag nakapanaginip ka ng isang karitela na umaapaw sa sakay. Halos hindi makalakad ang kabayo na may iba’t ibang kulay na parang rainbow. Nagsisilbing kutsero ditto ay ang aking dating boyfriend. Ano kaya ang kahulugan nito. Wala pa rin akong bf hanggang ngayon. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 6, 1982.

JENNY NG ANTIPOLO CITY

Dear Jenny,
MALINAW ditto na nananatiling may pagtingin at pagmamahal ka pa rin sa iyong dating dyowa. Pero, nagsasabi ito na malaki na ang iyong pinagbago dahil may sarili ka nang disposisyon sa buhay. Matured ka na at naalis mo na ang pagiging childish. Naglalaro rin sa iyong ang takot na magkaroon ng maraming anak at hindi mo gaanong magampanan ang tungkulin bilang magulang. Kung maraming kulay, nagsasabi ito na dapat na matuto kang makisama sa iyong kapwa at iba’t ibang klase ng tao upang magtagumpay ka. Umiwas ka sa pakikipag-away at paramihin pa ang mga kaibigan. Katapat ng karitela ay No. 38; No. 19 ang kutsero; No. 49 ang maraming sakay; No.7 ang boyfriend; No. 25 ang rainbow colors. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at karaniwang tumatandang dalaga o binata. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-27-30-34-37-40-42.
---30---

Berde't pula

(for May 09 issue, TUMBOK)

Dear Oliver,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 16, 1962 . Isa akong vendor pero maliit lang ang kinikita ko. Inutang ko lamang sa Bumbay ang puhunan ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

JULIETA NG DAVAO CITY

Dear Julieta,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay berde ang magkaroon ng matalas na imahinasyon at karaniwang umuunlad mula sa pag-asiste at tulong ng mga kaibigan. Hindi ka makakaangat sa buhay nang nagsosolo kaya’t kailangan mo ng kabakas o kasosyo. Buwenas ka sa mga produkto na may kaugnayan sa tubig tulad ng prutas, isda, at gulay. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula. Nagsasabi ito na ikaw ay mapapagitna sa intriga kaya’t dapat kang umiwas sa mga sigalot. Habang dumarami ang kakumpitensiya, makakatas ang iyong talino at kakayahan kasabay ng paghigop ng mga pambihirang buwenas na magagamit mo sa ibayong pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 34, at 40 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero siete (7) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 6-18-22-28-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-25-27-34-37-39-40-42. Triple Number: 5-8-2/ 7-1-3/ 5-1-6/ 3-2-6/ 6-digit: 3-2-6-8-2-2/ 3-7-0-2-6-2/ 8-2-3-5-3-1. Bingo Mystery Eight: 3-15-33-45-57-66-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

Sunday, May 07, 2006

Maging praktikal

(for TUMBOK, May 08 issue)

Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 12, 1970. Nag-resign na ako sa trabaho ko at nagtayo na lamang ako ng gift shop. Magklik kaya ito? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ROMMEL NG TAGAYTAY CITY
Dear Rommel,
ASUL at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mataas ang iyong ambisyon at madalas na nawawalan ka ng praktikalidad. Dapat ay gawin mo lamang ang angkop sa iyong kakayahan, panahon at resources. Hindi ka dapat magtangka sa mga malaimposibleng bagay bagay bagkus ay sikapin mong maging simple lamang ang lahat. Kapanatagan at kapayapaan ang tunay na susi sa pagtatagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Abril, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Numero tres (3) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-18-23-25-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-18-20-23-28-30-34-39-40-42. Triple Number: 6-8-2/ 1-4-8/ 9-2-6/ 8-3-2. 6-digit: 3-2-3-7-8-2/ 1-4-6-2-5-2/ 8-9-2-2-3-5/ 1-2-5-8-2-2. Bingo Mystery Eight: 4-12-34-47-55-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang sais (6) kapag nakasulat sa pula at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang nuwebe (9) kapag napagitna sa singko (5) at tres (3).
---30--

Thursday, May 04, 2006

Berde't dilaw

(for Tumbok, for May 07 issue)


Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1972. Isa akong vendor at ito ang ibinubuhay ko sa apat kong anak. Isang traffic aide lang ang mister ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ano ba ang buwenas kong taon, buwan at petsa?

ELOISA NG CEBU CITY

Dear Eloisa,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Numero siete (7) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Kailangan mo ang pag-asiste ng ibang tao upang magtagumpay ka. Hindi ka makaaangat nang nagsosolo. Kailangan mo ng kabakas, kasosyo o kapartner sa pagnenegosyo. Mas mainam na tipong may kasama ka na nagtitinda din ng katulad ng produkto mo at magkatabi kayo kahit saan. May isang kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad na kumita nang malaki—at diyan na magsisimula ang yong pag-unlad. Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong 2008, 2009 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 5, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Miyerkoles. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.7 ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12; 1-6-11-18-20-24-28-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-7-2/ 4-6-9/ 5-7-2/ 1-3-4.6-digit: 3-4-7-2-7-2/ 7-9-2-2-4-2/ 1-2-5-6-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-17-34-38-45-55-67-70. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
----30--

Itim at pula

(for Tumbok, May 06 issue)

Dear Oliver,
NAIS kong malaman din ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 17, 1970. Isa akong superbisor sa isang pabrika pero kapos pa rin ang suweldo ko sa pangangailangan ng aking apat na anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


RIC NG BUTUAN CITY

Dear Ric,
ITIM at pula ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Extreme ang itim na nagsasabi na makakaranas ka ng pinakamatitinding antas ng tagumpay at pinakagrabeng kabiguan. Hindi ka makakatikim ng buhay ng ordinaryong tao. Kailangang mapanatag ang kalooban mo sa gitna ng mga problema upang makaiwas ka sa mga negatibong kapalaran . Pero, kapwa mo ito mararanasan—kabiguan at tagumpay sa magkakahiwalay na panahon at pabalik-balik itong dadalawa sa iyong katauhan sa habang buhay. Paghandaan ang kabiguan upang hindi gaanong makaapekto ito sa iyong pagkatao, pero ihanda din ang sarili sa tagumpay upang mapag-ibayo mo sa 1,000 ulit ang biyayang makakamit mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006—ihanda ang sarili sa mga sorpresa at halos hindi kapani-paniwalang kapalaran. Pero buwenas ka rin sa 2007 at 2010 kaya imposibleng hindi mo matupad ang iyong mga pangarap sa mga taong iyan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero otso (8) at nuwebe (9) ang buenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-22-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-6-11-14-19-22-28-30-34-37-40-42. Triple Number; 6-7-3/ 1-4-7/ 8-9-2/ 1-4-5. 6-digit; 6-7-3-2-2-4/ 8-2-3-2-2-1/ 7-8-2-2-3-1. Bingo Mystery Eight; 3-7-27-34-38-50-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa orange at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
------30--

Wednesday, May 03, 2006

Kaututang dila

MAHIWAGANG KULAY AT NUMERO
(Advance for May 05 issue, Tumbok newspaper)

Dear Oliver,
NAIS kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 16, 1973. Isa akong guro sa isang private school pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ang buwenas kong taon, buwan at petsa? Ano ang suwerte kong numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

DARIUS NG GEN. SANTOS CITY

Dear Darius,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Hindi ka magtatagumpay kapag nagsosolo kang nagtatangka. Dapat ay lagi kang may kasangga, alalay, kabakas o kasosyo sa mga aktibidad. Kailangang laging mayroon kang kaututang dila o kakuwentuhan upang mahigop mo ang buwenas sa paligid at masapol ang mga tumpak na desisyon na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pagtuturo, dapat ay makapagtindig ka rin ng iba pang source of income tulad sa pagtatayo ng computer rentals, tindahan at iba pa. Maaari ka namang magpasuweldo ng mapagkakatiwalaang alalay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaa. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero siete (7) at one (1) ang masusuwerte mong numero. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-5-11-19-23-28-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-18-23-25-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-6-2/ 7-8-2/ 2-3-6/ 7-3-2. 6-digit: 3-2-3-5-7-2/ 7-8-2-1-2-3/ 8-9-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23- 33-45-57-66-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakasulat sa green at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
-----30--