Sunday, June 04, 2006

Asul sa mag-asawa

(for TUMBOK, June 06 issue)

Dear Oliver,
Just call me Weng. Birthdate ko ay Oct 3, 1969, at sa husband ko ay Jan 12, 1961. I just want to know kung saan ba talaga kami mapalad having a business here or going abroad and make our living there? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng mahihiwagang kulay at numero na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero sa jai alai at lotto. Thank you and more power.

Weng (Rowena@yahoo.com)

Dear Rowena,
ASUL ang mahiwaga mong kulay na nagsasabi na ikaw ay masyadong ambisyosa at kadalasan ay sumusobra ito na ugat ng iyong mga problema. Masyado mataas ang iyong expectation palagi dahil sobra ang tiwala sa sarili na sanhi kaya’t pumapalpak ang iyong mga plano sa buhay. Malakas ang iyong loob kasi’y nakahanda kang isakripisyo ang iyong personal na kaligayahan kung nakataya ang kapakanan ng mga minamahal. Ang marubdob mong pagnanasa na magtagumpay ang siya ring kasangkapan mo at pundasyon sa pagtatagumpay. Dapat ay moderate lamang. Kung sisiimplehan mo lamang ang mga plano at pangarap, walang duda na matutupad mo ang iyong mga ambisyon. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay berde na nagtutulak sa iyo upang mag-atubili sa mahahalagang desisyon. Magtatagumpay ka lamang mula sa pag-asiste o pagtulong ng kapwa. Taglay mo rin ang mahiwagang No. 3 at No.2. Naiimpluwensiyahan naman ang iyong mister ng mahiwagang kulay asul din kaya’t halos magkapareho kayo ng ugali at nagkakasabay ang panahon ng inyong mga tagumpay at kabiguan. Mahalaga ang papel ng inyong mga anak upang ma-neutralize ang iyong kapalaran. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang inyong pangarap—maging ditto sa loob ng bansa o sa abroad. Kung ipopokus ang iyong atensiyon sa pag-aapply, walang duda na makakaabroad ka. Pero, malulungkot ka sa paglayo sa pamilya kaya’t maipapayo sa iyo na mas mainam kung ditto sa loob ka ng bansa na magnegosyo habang kasama palagi ang buong pamilya na magbibigay sa iyo ng ibayong inspirasyon at gana sa pagkilos. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero , Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No.2 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-19-23-27-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-24-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-6-1/ 7-8-3/ 1-5-2/ 8-9-2. 6-digit: 2-1-3-7-2-1/ 7-8-1-1-2-1/ 1-2-1-6-9-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-28-34-47-56-68-70-74. Mapalad ang siete (7) kapag nakamarka sa brown at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa yellow at nasa hulihan ag uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

Thursday, June 01, 2006

Gray n green

(for TUMBOK, June 3 issue)

Dear Oliver,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. December 14, 1988 ang birthday ko. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero sa lotto at suwertres. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

AXES (axes@yahoo.com)

Dear Axes,
GRAY at green ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay. Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyo kaya’t mahalagang matuto kang magdesisyon nang agaran at tumpak. Buwenas ka sa negosyo na mabibilis na umiikot ang puhunan tulad ng simpleng pagtitinda sa bangketa o paglalako ng mga produkto. Mag-alaga ka ng halaman na may berdeng berdeng dahon ay may kulay abuhin na bulaklak. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2009, 2012 at 2014 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Abril, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Sabado. Numero singko (5) at siete (7) ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-19-23-25-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-22-26-27-30-33-36-40-42. Triple Number; 4-3-7/ 9-1-2/ 8-2-1.6-digit; 5-6-2-2-1-2/ 8-2-1-5-2-1/ 7-8-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-16-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakamarka sa green at nasa hulihan ang singko (5). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa yellow at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30--

Berde ang bertud

(for TUMBOK, June 02 issue)

Dear Oliver,
GOOD DAY, January 02, 1974 ang birthday ko. Ano ba ang mahihiwagang kulay at lucky number ko? Hirap po ako sa buhay, maraming utang at walang trabaho. May pag-asa pa ba aong makapag-abroad sa taong ito? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Gusto ko pong umasenso, bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.

EMMANUEL (labay@yahoo.com)

Dear Emmanuel,
LIKAS sa tulad mong may mahiwagang kulay berde na panghinaan ng loob. Madalas na nag-aatubili ka sa pagdedesisyon at iyan mismo ang ugat ng iyong mga problema. Masyado ka ring emosyonal kaya't nalalayo ka sa praktikalidad. Inaakala mo na ang maganda ay madaling matupad, imbes na isipin mo ang isang bagay na may posibilidad ba itong mangyari bago simulan ang proyekto. Kung sisimplehan mo lang ang diskarte ay walang duda na matutupad ang iyong mga binabalak. Sa pagtatrabahio, agad nasisira ang iyong loob. Puwede ka namang magtinda kahit diyan sa harap ng bahay ninyo, pero ayaw mo lang gawin at atubili ka. Kung nangangarap kang mag-abroad, aba, kumuha ka na ng pasaporte at mag-aapply ka na sa mga alam mong recruitment agency at magtanong sa mga kaibigan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009-- diyan na matutupad ang iyong pangarap kabilang ang pag-ahon sa kahirapan, pagkakaroon ng matatag na trabaho at paga-abroad. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9,12, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Lunes. Numero dos (2) at sais (6) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama moang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-19-22-29-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-15-18-23-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-2-1/ 9-7-2. 6-digit: 4-3-6-1-2-5/ 8-2-1-5-2-6/ 8-9-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 1-7-23-36-44-56-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30--