Tuesday, August 30, 2005

Gabay sa pagtatagumpay

Tumbok (31Aug05)

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Isa akong dalagang ina kasi’y tumakas ang boyfriend ko nang mabuntis ako. Ako lamang ang bumubuhay sa aking anak sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke. Maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1978. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ELIZAJOY NG ORMOC CITY

Dear Lizajoy,
ASUL at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kapanatagan at kapayapaan ang ipinahihiwatig ng asul na kakulay ng bughaw na kalangitan at tahimik na karagatan. Kailangang makalmante ka sa gitna ng masasalimuot na sitwasyon upang makapagdesisyon ka nang maayos at tumpak na siyang magsisilbing pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Ang berde ay simbulo ng kasariwaan at kasiglahan na nagsasabi na ikaw ay may malusog na pangangatawan, may sapat na resistensiya upang lampasan ang anumang pagsubok. Buwenas ka sa mga negosyo na may produktong likido tulad ng mineral water, suka, patis, mantika at gatas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 na uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan at bagong pag-ibig. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero tres (3) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-7-11-15-18-20-23-27-34-37-40-42. Triple Number: 2-1-7/ 8-9-2/ 1-2-4/ 3-2-6. 6-digit: 2-1-2-3-4-1/ 1-2-1-2-6-2/ 7-8-2-2-2-1. Bingo Mystery Eight: 5-17-23-36-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa unahan ang siete (7). Okey ang sais (6) kapag nakasulat sa yellow at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa otso (8) at dos (2).
---30--

1 Comments:

Blogger Hospitality and Tourism Industry said...

Dear Oliver,
Nais ko rin pong mabigyan ninyo ng payo kung ano ang maswerteng kulay na para sa akin at anong mga numero na naka paloob sa aking buhay upang ako'y magtagumapay sa larangan ng negosyo,makapag-ibang bansa at manalo sa Loto.

Maraming Salamat po!
God bless you richly!!!

7:08 AM  

Post a Comment

<< Home