Saturday, October 08, 2005

swerteng taon

Tumbok (09Oct05)

Dear Oliver,

Ako po'y isinilang noong Enero 3, 1969. Anong kulay at mga numero po ba ang bwenas sa buhay ko? Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Mahilig akong magnegosyo, ano ang suwerte sa akin? Bigyan mo ako ng masusuwerteng taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng numero sa jai alai at lotto. Thanks and more power.

Nanot of Cotabato City (nanot@yahoo.com)

Dear Nanot,

ASUL at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Numero tres (3) at dos (2) ang buwenas mo. Ambisyoso ka pero masarap magmahal. Kailangang maging inspirado ka upang makamit mo ang pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Buwenas ka kapag naglagay ka ng photo ng iyong mga mahal sa buhay sa iyong wallet, sa living room ng bahay. Maraming kaibigan ang tutulong sa iyo at magbibigay ng oportunidad upang magtagumpay. Manatili kang maunawain, matulungin at mapagpatawad upang patuloy na lumapit ang buwenas at malalaking opportunity kung saan magpapasimula ng iyong pag-unlad. Iwasan mong maging sobra ang tiwala sa sarili at sikaping maging praktikal at makatotohanan. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo tulad ng repair shop at rentals. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa nalalabing araw ng taong 2005, 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 12, 16, 23, 27 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Sabado at Linggo. Sa jai alai, isama mo sa No. 3 at No.2 ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 12, 20, 26, 30, 35 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-14-16-18-19-23-25-34-37-40-42. Triple Number: 3-4-7/ 8-9-2/ 6-5-9/ 2-1-5. 6-digit: 3-2-3-7-8-1/ 1-2-3-7-2-3/ 7-8-2-2-1-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-11-19-34-47-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakamarka sa pula at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang sais (6). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30---

4 Comments:

Blogger che said...

ako po ay isinilang noon aug 14 1982.ano poe bang numero masuwerte sa akin?na dala na magdadala sa aken sa anak q ng kaginhawaan...bigyan nio po q ng masuwerteng taon,buwan at petsa?bigyan nyo rin poe ako ng masuwerteng numero sa lotto..thankz po

6:09 PM  
Blogger bong said...

oako po ay sinilang noon setyembre 11 1999.ano po bang masuwerteng numero sa lotto.tnx po

10:45 PM  
Blogger bong said...

oako po ay sinilang noon setyembre 11 1999.ano po bang masuwerteng numero sa lotto.tnx p

10:47 PM  
Blogger Unknown said...

Ako po ay isinilang nong december 28,1981...anong maswerteng numero po para sakin

9:58 AM  

Post a Comment

<< Home