Sunday, October 02, 2005

dilaw, abuhin

Tumbok (03Oct05)

Dear Oliver,

BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 4, 1960. May tatlong akong anak na nag-aaral pero baon na ako sa utang dahil sa mataas na matrikula. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. May maliit akong sari-sari store at isang empleado lang ang mister ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


EDITHA NG DAVAO CITY

Dear Editha,

DILAW at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Kakulay ng sinag ng araw ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay puspos ng enerhiya at resistensiya kaya't bubuwenasin ka sa mga negosyo na may 24-hour open sa serbisyo tulad ng karinderya. Ang abuhin ay kakulay ng abo na tinatangay-tangay lamang ng hangin at tubig pero malayo ang nararating. Ganyan din dapat ang diskarte sa buhay mo, makisama ka o magsipsip o magdidikit lamang sa matatagumpay at mauunlad na indibidwal at tiyak na mahahawa ka sa kanilang buwenas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na negosyo at hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-7-11-15-19-23-28-30-34-38-40-42. Triple Number: 7-8-2/ 1-3-4/ 7-8-2/6-3-8. 6-digit: 3-2-3-7-1-1/ 7-3-2-3-6-2. Bingo Mystery Eight: 3-16-33-45-58-66-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang nuwebe (9) kapag napagitna sa tres (3) at dos (2).
---30---

2 Comments:

Blogger chubby said...

dear oliver,
hi!!! tanong ko lang bkit up to now ala pa akong bf.im 32 years old.last na ngaka bf ako nung 23 pko.kso ndi naman nagtagal.my itsura naman daw ako,kaso my katabaan lang.ndi naman pangit.baka mahuli nko sa byahe pag dating ng 2010 single pa din ako.samantalang ung mga kaibigan ko halos my mga anak na.nalabas din naman ako ng bahay.kso,bihira lang tlaga.sana masagot mo ung mga tanong ko. ano ang masuwerteng number at kulay ko ko? pinanganak ako july 13,1977. zodiac sign ko cancer.
fr:miss chubby

8:45 PM  
Blogger krystallyne said...

dear oliver,

hi,,ask ko lang bakit po gnun nd po may mga nanliligaw naman po sa akin pero sandali lang nd pa man umaalis agad sila or nd na nagpaparamdam when po kaya ako magkakaroon ng steady relationship na pang long term na?gusto ko po talaga eh foreigner eh...makakapagasawa kya ako ng foreigner?saka bakit po lagi na lang me kapos kelan po ba ako makakaahon?sana matulungan nyo po ako eto po yung bday ko february 29, 1984 at pisces po ako sna magreply po kau thanks....natalie

10:03 AM  

Post a Comment

<< Home