Wednesday, September 14, 2005

black sa computer shop

Tumbok (16Sept05)

Dear Oliver,

Magandang araw po. Sana nasa mabuti kayong kalagayan sa pagtanggap mo ng email kong ito. Sumulat ako sa inyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng tulong at payo kung paano namin mapabuti ang kalagayan namin ngayon. Ako po ay isinilang noong October 8, 1975 at ang asawa ko po na isang sundalo ay isinilang noong December 10, 1975. Mayroon kaming isang anak na lalaki at isinilang naman noong November 15, 2003. Sa kasalukuyan ako po ay nagtatrabaho sa isang computer school dito sa Iligan City. Ngunit dahil sa liit lamang po ng sweldo napag-isipan naming mag-asawa na magtayo ng sariling negosyo. Ang computer gaming shop namin ay na-open noong October 8, 2004 kasabay ng aking ika dalawampu't siyam na kaarawan. Sa ngayon po ay medyo mahina ang aming negosyo, marami kasi kami doon. Ano po kaya ang pwede kong gawin upang mapalago ito? Swertehin po ba kami sa negosyo? Dapat ko po bang ipagpatuloy ang aking pamamasukan o dapat kung pagtuunan ng pansin ang pagnenegosyo? Ano po bang negosyo ang swerte para sa amin? May plano po kasi akong i-expand yong negosyo ko at lagyan ng internet services. Pakihingi na rin po ng numero na pwede naming tayaan sa lotto at jai alai. Sana po matulungan ninyo kami. Salamat po sa pagbasa at pagsagot ng e-mail kong ito.

ARLENE NG ILIGAN CITY (arlenec@yahoo.com)

Dear Arlene,

ITIM at dilaw ang mahihiwaga mong kulay. Konsentrasyon, disiplina at malinaw na plano ang susi sa iyong pag-unlad.Extreme ang itim kaya’t kung hindi organisado ang iyong pagkilos at hindi ka marunong magsakripisyo, negatibo ang iyong mararanasan kung saan sobrang lungkot ang iyong mararamdaman. Pero kung kalmante ka, nakapokus sa negosyo ang buong atensiyon at walang anumang bisyo’t walang inaaksayang mahalagang panahon, walang duda na magtatagumpay ka. Gumamit ka ng logo ng kidlat na kulay dilaw na may background na itim na itim. May mainam kung kukulayan mong kulay dilaw ang computer shops at kombinasyon mo ng guhit na itim. Sikapin mong gumawa ng dagdag na serbisyo o inobasyon sa puwesto bawat buwan.Tama ang paglalagay ng internet service at kailangang nakakasabay ka sa mga bagong teknolohiya—walang duda na makakaangat ka sa negosyo.Ituloy mo lamang ang nasimulan at huwag na huwag kang babago ng larangan kahit makaranas ng matitinding problema, bahagi kasi yan ng pagsisimula.Ang sanggol na ipinanganak ay nakakaranas ng sobrang hapdi at hirap ang kanyang ina. Itim din at dilaw ang buwenas ng mister mo kaya’t madalas kayong makaranas ng kakaibang lungkot at maging negatibo—kailangang matalo ninyo ang ganyang ugali. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 16, 17, 24 at 26 partikular kapag natapat sa araw ng Sabado at Linggo. Numero otso (8) at kuwatro (4)ang buwenas mo.Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-20-24-29-31-34-37-40-42. Triple Number: 3-6-7/ 1-2-4/ 8-9-2. 6-digit: 6-9-2-6-3-4/ 8-9-2-2-1-5/ 8-2-4-1-5-1. Bingo Mystery Eight: 4-17-23-37-56-68-70-72. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home