Tuesday, September 13, 2005

blue at yellow

Tumbok (15Sept05)

Dear Oliver,

ISA akong tindero sa bangketa pero maliit lang ang kita ko kasi’y marami rin ang nangongotong dito. Nagtitiyaga ako kasi’y wala akong alam na ibang trabaho. Ito ang ibinubuhay ko sa pamilya ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay? Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1970. Bigyan mo ako ng numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

LANDO NG LAHUG, CEBU CITY

Dear Lando,

ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Sikapin mong mapanatag at makalmante sa gitna ng mga problema upang makapagdesisyon ka nang maayos. Mula sa perpektong desisyon ang iyong ikapagtatagumpay kaya’t iwasan mong magulo ang iyong isip.Matuto kang magpatawad sa kapwa at umunawa sa mga nagkakasala sa iyo upang malinis mula sa pagkamuhi at galit ang iyong puso—ikaw rin kasi ang mapapahamak kapag inaalipin ka ng negatibong emosyon! May sobra-sobra kang enerhiya dulot ng mahiwagang kulay dilaw kaya’t maaari kang pumasok sa mga 24-hour service-oriented business tulad ng lugaw-lugaw o pagtitinda hanggang madaling araw. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Numero tres (3) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-14-19-23-27-34-36-40-42-45. Triple Number: 3-2-7/ 7-8-2/ 1-4-8/ 8-2-6. 6-digit: 3-2-6/ 7-8-2/ 1-3-5. Bingo Mystery Eight: 3-7-34-44-56-69-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa blue at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang nuwebe (9) kapag nakasulat sa puti at nasa hulihan ang sais (6). Okey ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at uno (1).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home