Tuesday, December 19, 2006

Kukunin ang buwan, araw at langit

Dear Oliver,
Palagi akong nagbabasa ng colum mo at nais kong malaman ang mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago ng takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 25, 1980. Wala pa akong asawa. Kaylan kaya ako magkakapag-asawa. Anong kayang taon, araw at buwan ang swerte ko? Bigyan mo naman ako bwenas na numero lalo na sa pagtaya ng lotto at jai alai.

OMAR NG PASIGCITY (omarell@yahoo.com)

Dear Omar,
TAGLAY mo ang mahiwagang kulay berde at itim. Ibig sabihin, madalas kang makaranas ng kakaibang lungkot at hindi ka basta- basta nakokontento sa tagumpay. Kahit ibigay sa iyo ang buwan, tatangkain mong kunin ang araw--at kapag nakuha mo ang araw, papangarapin mong maabot ang langit. Iyan mismo ang sanhi ng iyong mga kabiguan. Pero, kahit ka mabigo, malayong malayo ang mararating mo. Kumbaga, higit kang makakaangat kompara sa mga kasabay mong o kontemporaryo mo. Naiinggit sila sa iyo nang lihim pero hindi nila alam-- nalulungkot ka pa rin! Makakapag-asawa ka naman at siya ay may nunal sa tuluan ng luha. Tama isang martir ang mapapangasawa mo--dahil kung hindi, makakahiwalay mo lamang! Isang pusong nagmamahal lamang ang makakaunawa ng iyong mga kabulastugan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran hanggang sa Marso , 2007-- diyan mo makikilala ang iyong mapangangasawa. Buwenas ka rin sa 2008, 2009, 2014 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at matatag na mapagkakakitaan Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Numero siete (7) at otso (8). Sa jai alai, isama mo ang No.6. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-23-24-27-30-34-36-40-42. Triple Number; 2-1-5/ 6-7-3/ 8-9-2. 6-digit: 3-2-3-3-4-2/ 8-4-2-1-5-2/ 8-9-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 2-13-22-35-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang singko (5). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa blue at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at otso (8).
(Tumbok newspaper, 22dec06)
------30--

2 Comments:

Blogger Unknown said...

Dear' Mr.Oliver Ty, Nais ko po malaman kng anung masuerte na numero para sa lotto, ipinaganak ako noon December 19, 1960, swerte araw, oras, at kulay, na ankop sa akin, bigyan mo po ako ginoon Oliver.Salamat po.

1:41 AM  
Blogger Unknown said...

Dear' Mr.Oliver Ty, Nais ko po malaman kng anung masuerte na numero para sa lotto, ipinaganak ako noon December 19, 1960, swerte araw, oras, at kulay, na ankop sa akin, bigyan mo po ako ginoon Oliver.Salamat po.

1:43 AM  

Post a Comment

<< Home