Tuesday, May 30, 2006

Grey n black

( for TUMBOK, June 01 issue)

Dear Oliver,
Regular akong nagbabasa ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong pitsa, bulan at taon? Ipinanganak ako noong March 23, 1989. Bigyan mo ako ng buwenas na numero sa lotto, jai alai at suwertres.

ELRIN (slipdunk@yahoo.com)

Dear Elrin,
TIPIKALA sa tulad mong may mahiwagang kulay gray o abuhin ay magpatangay na lamang sa agos ng buhay kaya't mahalagang magkaroon ng direksiyon ang iyong mga ikinikilos. Natutukso ka sa pakikipagsapalaran kasi'y nararamdaman mong tumpak ang iyong mga kutob, sapantaha at espekulasyon na siya rin mismong magiging pundasyon sa iyong pag-unlad. Dapat ay magtayo ka kahit maliit na negosyo at walang duda na mapapaangat mo ito. Pero buwenas ka rin sa mga sugal pero kailangang maging kalmante ka at panatag ang kalooban. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay itim kaya't nadidistorbo ka ng lihim na kalungkutan pero sa katagalan ay matutuhan mo na ang sekreto ng buhay. Uunlad ka sa pagdating ng middle age kaya't dapat kang mag-abroad dahil naroroon ang buenas mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 pero uulit sa 2008 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo at hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero singko (5) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-18-23-27-34-37-40-42. Sa suwertres, puwede ang 7-8-3/. 1-6-2. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-14-18-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 8-9-2/ 1-4-2/ 4-3-7.6-digit; 3-2-3-7-5-1/ 8-9-2-1-2-1/ 3-2-3-7-2-1. Bingo Mystery Eight; 1-7-22-34-47-67-70-73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
------30--

7 Comments:

Blogger luckyroseve said...

hello po!!

hingi lang po sana ng tulong sa inyo kung pwede gusto ko po malaman ang mahiwagang numero at kulay ko may 18, 1975 po ako pinanganak at kung anu maging future 1st time ko po mag try nito. single pa po ako makakapag asawa pa kaya ako ng maayos.

salamat po sana send niyo po sa email ko ung sagot. luckyroseve_ver@yahoo.com or roseve2008@yahoo.com

salamat po ng marami and more power po sa inyo.

7:53 PM  
Blogger len72 said...

dear oliver,
nais ko pong humingi nang tulong sa iyo, gusto ko ring magkaroon ng mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. ano po ba ang masusuwerte kong pitsa, bulan at taon? ipinanganak ako noong april 9,1972. bigyan mo ako ng buenas na numero sa lotto at suwertres.

4:39 AM  
Blogger Unknown said...

This comment has been removed by the author.

9:06 PM  
Blogger teodoro robosa said...

Dear Oliver
isa ako sa mga taga subaybay ng iyong colum pinanganak ako noong nov.12 1961 nais ko sanang bigyan mo ako ng masurteng kulay at numero na magagamit ko sa aking sariling kapalaran na matagal na akong gustong guminhawa ang aking buhay wala akong trabaho stroke victim dito lang ako sa bahay nag hintay nang kapalaran.salamat and more power to you.
Ted 12

12:17 AM  
Blogger Unknown said...

hellow po
kung puedi po sanang humingi ng masuwerting numero sa lotto at kulay ngayung 2014 para mabago naman ang buhay ko ipinanganak po ako nuong september,16,2000 maraming salamat po

4:34 AM  
Blogger Unknown said...

helow po
ahhm puedi po ba akung humingi ng masuwerting numero at kulay lalo na po sa lotto ngayung 2014 ipinanganak ako nuong september 16 2000.
salamat po!!!

4:37 AM  
Blogger Unknown said...

,helow po pwede po ba mk hingi ng masuwerteng numero sa lotto november 24 1984 po ako

10:48 AM  

Post a Comment

<< Home