Wednesday, September 13, 2006

Nag-waitress para makaenroll

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong waitress sa isang desenteng restaurant . Bagong pasok lang ako at nag-aaral ako sa araw. Panggabi lamang ako. Nagkasakit kasi ang tatay ko kaya't napilitan akong mamasukan. Ipinanganak ako noong Mayo 17, 1985. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


AIDA NG GEN. SANTOS CITY

Dear Aida,
KARANIWANG nakakaranas ng matitinding pagsubok sa buhay ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay itim. Kailangang sikapin mong makalmante at ituring ang lahat ng mga negatibong sitwasyon na mararanasan mo ay isang pagsubok na kung malalampasan mo ay mapapasakamay mo ang pambihirang bertud na magagamit mo naman sa pagtatagumpay. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay pula kaya't magkakaroon ka ng sapat na lakas ng loob na labanan ang mga balakid kaya't walang duda na ikaw ay magtatagumpay. Maabot mo ang pinakamataas na antas ng pananagumpay. Makakatapos ka ng pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng patigil-tigil sa enrollment. Makakapag-asawa ka ng isang mabait at mayamang lalaki na halos hindi mo mapapaniwalaan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006, 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap lalo na ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Sabado. Numero otso (8) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-18-20-24-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-3-11-17-23-24-27-30-34-35-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 9-2-6/ 5-2-1/ 6-digit: 3-2-6-8-2-1/ 7-8-2-1-2-1/ 9-6-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23-35-44-56-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa berde at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakamarka sa asul at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home