Berde ang bertud
(for TUMBOK, June 02 issue)
Dear Oliver,
GOOD DAY, January 02, 1974 ang birthday ko. Ano ba ang mahihiwagang kulay at lucky number ko? Hirap po ako sa buhay, maraming utang at walang trabaho. May pag-asa pa ba aong makapag-abroad sa taong ito? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Gusto ko pong umasenso, bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.
EMMANUEL (labay@yahoo.com)
Dear Emmanuel,
LIKAS sa tulad mong may mahiwagang kulay berde na panghinaan ng loob. Madalas na nag-aatubili ka sa pagdedesisyon at iyan mismo ang ugat ng iyong mga problema. Masyado ka ring emosyonal kaya't nalalayo ka sa praktikalidad. Inaakala mo na ang maganda ay madaling matupad, imbes na isipin mo ang isang bagay na may posibilidad ba itong mangyari bago simulan ang proyekto. Kung sisimplehan mo lang ang diskarte ay walang duda na matutupad ang iyong mga binabalak. Sa pagtatrabahio, agad nasisira ang iyong loob. Puwede ka namang magtinda kahit diyan sa harap ng bahay ninyo, pero ayaw mo lang gawin at atubili ka. Kung nangangarap kang mag-abroad, aba, kumuha ka na ng pasaporte at mag-aapply ka na sa mga alam mong recruitment agency at magtanong sa mga kaibigan. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009-- diyan na matutupad ang iyong pangarap kabilang ang pag-ahon sa kahirapan, pagkakaroon ng matatag na trabaho at paga-abroad. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 9,12, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Lunes. Numero dos (2) at sais (6) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama moang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-19-22-29-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-15-18-23-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-2-1/ 9-7-2. 6-digit: 4-3-6-1-2-5/ 8-2-1-5-2-6/ 8-9-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 1-7-23-36-44-56-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
---30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home