Monday, April 24, 2006

Maroon n black

MAHIWAGANG KULAY AT NUMERO, abril 26 issue

Dear Oliver,
MADALAS akong magbasa ng kolum mo at nais kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 6, 1970. May tatlo akong anak at biyuda na ako. Isa akong titser. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

DINA NG TAAL, BATANGAS

Dear Dina,
MAROON at black ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kulay ng natutuyong dugo ang maroon na nagsasabi na ikaw ay masyadong emosyonal. Kailangang makontrol mo ang simbuyo ng damdamin. Pero kapag na-inspired ka nang todo sa iyong ginagawa, walang duda na mararating mo ang pinakamataas na antas ng pagtatagumpay. Sa totoo lang, kailangang mag-asawa ka muli upang makakaangat sa buhay. Isang maykayang lalaki ang makikilala mo sa taong ito na magiging simula ng isang bagong pagpapamilya. Extreme ang mga magaganap, sikaping maging kalmante sa gitna ng mga problema. Bukod sa taong 2006, buwenas ka sa year 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero sais (6) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod; 4-7-11-19-23-25-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12 2-11-14-18-20-24-26-30-34-36-40-42. Triple Number: 3-2-8/ 1-3-6/ 8-2-1/ 8-9-2. 6-digit; 4-5-8-2-1-3/ 8-2-4-2-1-3/ 8-2-3-2-6-1. Bingo Mystery Eight; 3-17-34-46-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa berde at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30--