Thursday, October 13, 2005

itim at dilaw

Tumbok (14Oct05)


Dear Oliver,

BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 26, 1970. Isa akong vendor sa palengke pero maliit lang ang kita ko. Nagpapa-aral ako ng apat na anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LANDO NG MALABON CITY

Dear Lando,

ITIM at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Extreme ang ipinahihiwatig ng itim. Nagsasabi ito na ikaw ay maaaring masadlak sa dalawang extreme situation—matinding kabiguan o matinding tagumpay. Hindi ka makakaranas ng average na antas ng pamumuhay tulad ng ordinaryong tao. Nagsasabi ito na ikaw ay makakaangat sa pinakamataas na antas ng pananagumpay kung magkaroon ka ng disiplina, malinaw na direksiyon sa pagkilos at konsentrasyon sa iisang mithiin. Pero kung magkakaroon ka ng magulong sistema, masasadlak ka sa pinakagrabeng kalungkutan. Nangangahulugan ito na maaari mong mapalaki ang iyong negosyo sa pagpupundar ng sariling puwesto at sasakyan.May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na mapagkakakitaan. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 15, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. Numero otso (8) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-28-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 2-5-11-18-20-23-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-8/ 8-9-3/ 1-2-4/ 4-3-7. 6-digit: 2-1-2-6-7-2/ 2-1-2-6-2-7/ 8-9-2-2-1-1. Bingo Mystery Eight: 3-6-23-36-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa siete (7) at singko (5).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home