Thursday, May 04, 2006

Berde't dilaw

(for Tumbok, for May 07 issue)


Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Mayo 16, 1972. Isa akong vendor at ito ang ibinubuhay ko sa apat kong anak. Isang traffic aide lang ang mister ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ano ba ang buwenas kong taon, buwan at petsa?

ELOISA NG CEBU CITY

Dear Eloisa,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Numero siete (7) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Kailangan mo ang pag-asiste ng ibang tao upang magtagumpay ka. Hindi ka makaaangat nang nagsosolo. Kailangan mo ng kabakas, kasosyo o kapartner sa pagnenegosyo. Mas mainam na tipong may kasama ka na nagtitinda din ng katulad ng produkto mo at magkatabi kayo kahit saan. May isang kilalang tao sa inyong lugar ang mag-aalok sa iyo ng oportunidad na kumita nang malakiā€”at diyan na magsisimula ang yong pag-unlad. Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong 2008, 2009 at 2011 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 5, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Miyerkoles. Sa jai alai, isama mo sa No. 4 at No.7 ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-18-23-27-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12; 1-6-11-18-20-24-28-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-7-2/ 4-6-9/ 5-7-2/ 1-3-4.6-digit: 3-4-7-2-7-2/ 7-9-2-2-4-2/ 1-2-5-6-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-17-34-38-45-55-67-70. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home