Sunday, January 22, 2006

Maroon at green

Dear Oliver,
SUKI ako ng iyong kolum at lagi akong nagbabasa nito habang nagbabantay sa maliit kong sari-sari store. Isa akong retiradong opisyal ng air force pero may malusog pa rin akong pangangatawan. Gusto kong lamang itanong kung mahaba ang buhay ko? Makakapagpundar ba ako ng sariling bahay at lupa muli?Kasi’y naremata ang aking ari-arian na naipundar ng magkasakitat namatay ang aking asawa. Bigyan mosana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran.Ipinanganak ako noong Setyembre 15, 1945. Ano ba ang masusuwerte kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


PRIMITIVO NG PARANAQUE CITY

Dear Primitivo,
MAROON at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Masarap kang magmamahal at kung magko-concentrate ka sa iisang larangan lamang ay walang duda na makakaangat ka nang todo at matutupad mo ang iyong mga plano sahinaharap.Gayunman, higit kang bubuwenasin sa mga tipong bakas-bakas o sosyohan. Mahaba naman ang buhay pero maaari kang magkasakit sa mga taong 2009 at 2014 kaya’t maging maingat ka.Makakaangat ka namanat magkakaroon ng matatag na hanapbuhay sa taong 2007 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng sariling bahay at lupa.Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat saaraw ng Lunes at Miyerkoles. Numero sais (6)at siete(7) ang buwenas mo.Sa jai alai, isamamo ang No.3. Sa lotto,pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-24-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-22-28-29-30-34-36-40-42. Triple Number: 4-7-2/1-4-6/ 7-2-5.6-digit: 3-2-1-2-7-2/ 7-8-2-2-1-2/ 2-1-2-1-5-2. Bingo Mystery Eight: 1- 17-34-36-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa orange at nasa unahan ang siete(7). Mainam ang tres (3) kapag nakasulat sa asul at hulihanang dos (2).Okey ang sais(6) kapag napagitnasa nuwebe (9) at uno(1).
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home