Saturday, January 28, 2006

Gayuma sa ex-GF

Dear Oliver,
Magandang araw po,gusto ko lang malaman kung ano ang aking gagawin para bumalik ang ex ko sa akin? Ano ba ang mga swerte ko at ano ang mga bertud na maari mong ibigay to me para bumalik sa akin ang ex ko at para maging maswerte ako sa pag-aaral at sa pera? Ang birthday ko ay July 28, 1986 at ang ex ko ay Nov.20 1987. Hangad ko na masagot ang aking katanungan, God bless at mabuhay ka..Salamat. Ano ba ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.
MICHAEL (santinger@yahoo.com)

Dear Michael,
DILAW at abuhin ang mahihiwaga mong kulay. Kulay berde at itim naman ang buwenas ng ex-GF mo. Kailangang maging feeling strong ka. Kumbaga, dapat ay ikaw ang nasusunod imbes siya. Kailangan niya ang taong masasandalan sa gitna ng kanyang mga problema. Madali lang siyang maimpluwensiyahan at sikapin mong hanapin kung ano ang kanyang kahinaan at alamin ang kanyang mga personal na problema. Magsuot ka palagi ng kulay itim at panatilihin ang bigote—magugulat ka sa magiging epekto nito. Pero, mas mainam kung kulitin mo siya ng kulitin—bayaan mong mabuwisit, sa bandang huli ay sa mga kamay mo rin siya babagsak sa gitna ng kanyang malalaking problema. Mas mainam kung gagamit ka ng sasakyan sa panliligaw sa kanya at palagi mong ipasyal sa malalayong lugar o mga may berdeng tanawin. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 pero pinakabuwenas mo sa 2008 at 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik at matatag na ikabubuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles. Numero uno (1) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-11-19-23-24-30. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12:1-6-8-11-18-20-23-26-34-38-40-42. Triple Number: 3-2-3-6-3-2/ 7-8-2-2-1-2/ 3-2-3-7-8-1. 6-digit: 3-2-3-2-7-2/ 7-8-2-2-1-2/ 3-1-2-5-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-13-22-34-47-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa orange at nasa unahan ang siete (7). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa blue at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang sais (6) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home