Monday, January 16, 2006

maroon n gray

ATTENTON: TUMBOK c/o RONI
From; Oliver Ty Ang Mahihiwagang Kulay at numero

Dear Oliver,
Ako po ay naglakas loob na mag-email sa inyo. Gusto ko po kasing malaman ang aking mahiwagang kulay, kapalaran, buwan, taon at masusuwerting numero. Ipinanganak po ako noong April 24, 1975,still single. Meron po akong ampon na batang lalaki 5 yrs.old na siya ngayon. Ano po kaya ang magandang kinabukasang naghihintay parasa akin? Sana po mabigyan nyo ng panahon para masagot ang mga katanungan kung ito. Maraming salamat po.

MARNIE (sumabat@yahoo.com)

Dear Marnie
MAROON at gray ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Masyado kang emosyonal at ito ang dahilan kung bakit nabalam ang iyong pag-aasawa.Negatibong emosyon ang umiiral sa iyo Gayunman maaari mong magamit ang pakikipagrelasyon upang matupad ang iyong mga pangarap Ikaw ang tipong naghahanap ng ideyal na pag-ibig pero wala naman ditto sa lupa. Gayunman may isang tao na makikilala mo sa isang paglalakbay ang mapapalapit sa iyo kung saan maaaring maging simula sa tsansa mo na makapag-asawa Magaganap ito sa pagsapit ng mapalad mong taong 2007 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang paglagay sa tahimik. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 13 23,at 30 lalo na kapag natapat sa araw ng Linggo at Martes. Numero sais (6) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-27-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-3-11-16-20-23-25-28-34-36-40-42. Triple Number: 2-5-8/ 3-2-6/ 1-2-7. 6-digit: 4-3-4-7-1-2/ 3-2-3-7-1-1/ 7-8-9-2-3-2. Bingo Mystery Eight: 2-11-18-34-47-55-70-75. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang dos (2). Okey ang sais (6) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1)
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home