Wednesday, January 18, 2006

dyowa tuloy sa abroad

Dear Oliver ,

Greetings of Peace!
Tulungan nyo po ako na malaman ko ang aking lucky color and number for this year 2006, para maging guide ko po. I was born April 5, 1966. May 3 kids na po ako. Kasulukuyan po ako ay nagtratrabaho sa isang school as Accountant. Gusto ko na po sanang magresign at asikasuhin ang mga papeles ko papuntang abroad. Sana po sa New Zealand (immigrant). Makakaabroad po ba ako this year? Makakaalis din po ba ang husband ko this year? Jobless kasi siya ngayon. Makakaahon po ba kami this year sa kahirapan? Sana matulungan nyo po ako. Ang birthday po ng husband ko ay December 5, 1968. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng numero sa jai alai at lotto. Salamat po & God bless.

EMELIE (emelie@yahoo.com)

Dear Emelie,
WALANG duda na makakapag-abroad ka. Taglay mo kasi ang mahiwagang kulay abo at dilaw. Tulad ng abo at alikabok—nasa malayong lugar ang buwenas. Buwenas ka sa pagiging estranghero o pandarayuhan. Madali kang makapag-adjust at mahihigop mo ang suwerte sa paligid saan ka man magpunta. Ang dilaw ay nagsasabi naman na may kakaiba kang buwenas na wala sa ordinaryong tao pero kailangan mong makalmante at mapayapa ang puso, isip at kaluluwa kaya’t mahalagang maging maunawain at mapagpatawad ka sa mga taong nagkakasala sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 na magpapasimula ng malaking pagbabago pero aangat ka lalo sa taong 2008,2011 at 2012 kung saan matutupad mo na ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na ikabubuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Nobyembre at Enero lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 22, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Sabado. Numero singko (5) at kuwatro (4) ang buwenas mo. Gray din at No.5 ang buwenas ng mister mo—at hindi kayo nagkakalayo ng kapalaran kaya’t halos magkakasabay kung hindi man magkasunod kayong makapag-aabroad sa taong ito o sa mga taon na binanggit ko sa itaas. Sa jai alai, isama mo ang No. 2.Sa lotto, pumulot ka sa itaas sa mga sumusunod: 3-7-11-18-22-25-30-34-36-40-41. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-3-11-17-20-23-25-30-34-36-40-42. Triple Number: 5-8-2/ 1-4-7/ 7-2-1/ 6-digit: 3-2-7-5-6-2/ 3-2-6-1-2-8/ 9-0-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 4-23-34-46-55-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa unahan ang otso (8). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa asul at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home