Thursday, January 19, 2006

Berde't abuhin

Dear Oliver
Gud day po! Birthday ko po ay 20 April 1970. Gusto ko po sanang manghingi ng masuwerteng kulay at numero sa inyo para lapitan ako ng swerte. Ano po ba ang lucky day ko, month at year? Ano po ba maipapayo nyo sa kin para ma-improve ko swerte ko? Pahingi na rin po ng lucky number sa lotto. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay Bigyan mo rin ako ng buwenas na numer sa jai alai at lotto. Maraming salamat po at more power sa inyo!!!

RAINI (raini@yaho.com)

Dear Raini,
BERDE at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay Nakasandal sa pagtulong ng ibang tao ang iyong ikapagtatagumpay Ibig sabihin hindi ka magtatagumpay nang nagsosolo ka. Kailangan mo ng kasangga, kapartner o kasosyo. Mahalagang matutuhan mong makisama nang mabuti maging matulungin, maunawain at mapagpatawad sa kapwa—kasi’y sila mismo ang yong bertud—ang mga tao sa paligid mo ang aktuwal na mag-aangat sa iyo tungo sa tagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2009 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay Buwenas ka sa mga buwan ng Enero , May at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8 12 15 23, 26 at 30 partikular kapag natatapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero dos (2) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No 2 at No. 5 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-18-23-27-34-36-40-42 PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-19-23-24-26-29-34-36-40-42. Triple Number: 6-9-2/ 1-4-7/ 3-2-7 6-digit: 3-2-1-7-2-5/ 8-9-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-15-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang siete (7) kapag nakaporma sa pula at nasa hulihan ang uno (1)
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home