Wednesday, May 03, 2006

Kaututang dila

MAHIWAGANG KULAY AT NUMERO
(Advance for May 05 issue, Tumbok newspaper)

Dear Oliver,
NAIS kong malaman ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Oktubre 16, 1973. Isa akong guro sa isang private school pero maliit lang ang suweldo ko. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ano ang buwenas kong taon, buwan at petsa? Ano ang suwerte kong numero lalo na yung puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

DARIUS NG GEN. SANTOS CITY

Dear Darius,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Hindi ka magtatagumpay kapag nagsosolo kang nagtatangka. Dapat ay lagi kang may kasangga, alalay, kabakas o kasosyo sa mga aktibidad. Kailangang laging mayroon kang kaututang dila o kakuwentuhan upang mahigop mo ang buwenas sa paligid at masapol ang mga tumpak na desisyon na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pagtuturo, dapat ay makapagtindig ka rin ng iba pang source of income tulad sa pagtatayo ng computer rentals, tindahan at iba pa. Maaari ka namang magpasuweldo ng mapagkakatiwalaang alalay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006, 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na mapagkakakitaa. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 17, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero siete (7) at one (1) ang masusuwerte mong numero. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-5-11-19-23-28-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-18-23-25-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-6-2/ 7-8-2/ 2-3-6/ 7-3-2. 6-digit: 3-2-3-5-7-2/ 7-8-2-1-2-3/ 8-9-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23- 33-45-57-66-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakasulat sa green at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa nuwebe (9) at tres (3).
-----30--

1 Comments:

Blogger teodoro robosa said...

(for TUMBOK, june 30 issue)

Dear Oliver,
HINDI akong nagsasawa na sundan ang iyong kolum kasi'y marami akong natututuhan. Bigyan mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nov.12 1961 Isa akong dating OFWs pero hindi na ako matanggap ngayon kahit gusto ko nang bumalik sa ibang bansa. Overaged na raw ako at may sakit na Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa suertres at lotto.ito ang e mail ko teodororobosa@yahoo.com.ph maraming salamat.

12:01 AM  

Post a Comment

<< Home