Wednesday, May 24, 2006

Isang lider

(for TUMBOK, May 26 issue)


Dear Oliver,

HINDI ako lumiliban sa pagbabasa ng kolum mo. Kakaiba kasi ito. Bigyan mo rin ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong kamadrona pero kakaunti na ang nagpapahilot sa akin. Nagtayo na lamang ako ng maliit na karinderia upang mabuhay ko ang aking limang anak. Biyuda na ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Nobyembre 3, 1967.


LUCILA NG CAGAYAN DE ORO CITY


Dear Lucila,

TIPIKAL sa tulad mong nagtataglay ng mahiwagang kulay asul ay masarap magmahal, ambisyoso at nagiging lisang lider. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay dilaw kaya't walang duda na matutupad ang marami mong pangarap. Pero, mistulang magdaraan ka muna sa serye ng mga pagsubok o aktuwal na matitinding dagok ng buhay na magsisilbing initiation rites mo tungo sa pag-angat sa pinakamataas na antas ng pananagumpay. Sa katagalan, matutuklasan mo ag formula sa pagreresolba ng mga problema kaya't walang duda na magtatagumpay sa pagsapit ng middle age. Ituloy mo lamang ang iyong mga pagsisikap kasi'y makapagtatayo ka ng malaking negosyo. Mas mainam kung hahaluan mo ng specialty products ang tindahan tulad ng medicina o mga pambihirang gamot o supplements. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo at masayang pamilya. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23, 28 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Biyernes. Numero tres (3) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-11-19-23-24-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-4-11-18-23-25-28-32-34-36-40-42. Triple Number: 3-6-8/ 1-3-9/ 5-3-7/ 1-3-7. 6-digit: 2-1-2-4-7-2/ 7-8-1-1-2-4/ 9-2-2-1-2-1. Bingo Mystery Eight: 1-6-23-45-57-66-70-75. Mapalad ang otso (8) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa asul at nasa unahan ang sais (6). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home