Monday, May 08, 2006

Kabayo sa dream

(for: Tiktik, May 09 issue)

Dear Don Honesto,
ANO ba ang ibig sabihin kapag nakapanaginip ka ng isang karitela na umaapaw sa sakay. Halos hindi makalakad ang kabayo na may iba’t ibang kulay na parang rainbow. Nagsisilbing kutsero ditto ay ang aking dating boyfriend. Ano kaya ang kahulugan nito. Wala pa rin akong bf hanggang ngayon. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Hulyo 6, 1982.

JENNY NG ANTIPOLO CITY

Dear Jenny,
MALINAW ditto na nananatiling may pagtingin at pagmamahal ka pa rin sa iyong dating dyowa. Pero, nagsasabi ito na malaki na ang iyong pinagbago dahil may sarili ka nang disposisyon sa buhay. Matured ka na at naalis mo na ang pagiging childish. Naglalaro rin sa iyong ang takot na magkaroon ng maraming anak at hindi mo gaanong magampanan ang tungkulin bilang magulang. Kung maraming kulay, nagsasabi ito na dapat na matuto kang makisama sa iyong kapwa at iba’t ibang klase ng tao upang magtagumpay ka. Umiwas ka sa pakikipag-away at paramihin pa ang mga kaibigan. Katapat ng karitela ay No. 38; No. 19 ang kutsero; No. 49 ang maraming sakay; No.7 ang boyfriend; No. 25 ang rainbow colors. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal at karaniwang tumatandang dalaga o binata. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-27-30-34-37-40-42.
---30---

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

emperor casino - Shootercasino
Our casino review and casino bonuses งานออนไลน์ page contains all the important details you need about online casino. Find out everything you need 제왕 카지노 to know about What are the games on offer 인카지노 at emperor casino?Is it legal to play at emperor casino?

2:12 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Sir,

Nanaginip po ako ng kabayo na naging batang babae at hinawakan ang aking kamay at ako daw ay mananalo sa lotto at meeong stang nilagay sa akingvpalad na biglang umilaw at nawala. Ano.po kaya ibig sabihin nun. Thank you.

7:26 PM  
Blogger Unknown said...

Dear Sir,

Nanaginip po ako ng kabayo na naging batang babae at hinawakan ang aking kamay at ako daw ay mananalo sa lotto at merong siyang nilagay sa aking palad na biglang umilaw at nawala. Ano.po kaya ibig sabihin nun. Thank you.

7:28 PM  

Post a Comment

<< Home