Tuesday, May 23, 2006

Kakaibang buwenas

(for TUMBOK, May 25 issue)

Dear Oliver,
HI po, tubong Meycauayan, Bulacan ako. Itatanong ko lang po ang mahiwaga kong kulay at numero,. Bigyan mo rin ako ng anunsiyo sa jai alai at lotto. Ang b day ko po ay Jan 13, 1986 at itatanon ko po kung tatama po ba ako sa lotto. Magiging suwerte po ba ako sa buhay .Ano baa ng masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.

EDWARD (sexme@yahoo.com)

Dear Edward,
TIPIKAL sa tulad mong sinasaniban ng mahiwagang kulay dilaw ay makaranas ng mga pambihirang karanasan kaya’t nagugulo ang diskarte. Pero sa kabila ng lahat, magugulat ka kasi’y nakakaabsuwelto ka at nakakaraos sa ilang maseselang problema na madalas mong akalaing hindi ka na makakalusot pa. Tama ka, may pambihira kang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Yun nga lang, hindi ordinaryo ang iyong kalungkutan at mga problema na magiging kakambal ng iyong buhay hanggang sa pagtanda.Kung gayon, kailangang matuto kang tumanggap na mapapait na katotohanan ng buhay kaya’;t sa pagsapit ng maturity o middle age—doon lamang magsisimula ang iyong ganap na pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008 at 2009 dahil taglay mo rin ang mahiwagang kulay berde. Marami tao ang kusang tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema. Sa mga taong iyan, isang oportunidad ang iaalok sa iyo na siyang magpapabago sa takbo ng iyong buhay tungo sa pag-unlad. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 6, 9, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Martes. Numero kuwatro (4) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-17-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-6-11-19-23-26-30-34-36-38-40-43. Triple Number: 4-8-1/ 5-4-8/ 8-2-5.6-digit: 4-3-2-6-2-1/ 8-9-2-2-1-3/ 2-6-1-5-2-4. Bingo Mystery Eight: 3-15-22-33-45-57-60-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
----30-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home