Monday, May 08, 2006

Wanted: Husband

(for: Tiktik, for May 09 issue)

Dear Sir Dennis,
NAGPA-SEROX na rin ako ng guhit ng palad. Gusto ko kasing itanong kung may tsansa pa akong makapag-asawa. Ipinanganak ako noong Hunyo 17, 1960. Naiinip na ako at sa totoo lang, hindi ko mautusan ang sarili ko na magmahal. Pero, ngayon. Hindi na ako gaaanong mamimili basta’t may makasama lang sa pagtanda. May maliit akong patahian at isa akong modista. Hindi naman ako gaanong mataba. May “asim” pa rin. Hi, hi, hi. Puwede bang magamit ang kolum mo sa paghanap ng kaibigang lalaki? O prospect? Okey ba ang negosyo ko? Ilan ang aking magiging anak kung mag-aasawa ako? Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa?

DORIS NG ALABANG, MUNTINLUPA

Dear Doris,
DON’T panic! Makakapag-asawa ka naman nang maayos. Hindi naman dapat na magbara-bara ka sa pagpili. Kailangang makilala mo rin siya nang maayos, siyempre may extra effort ka rin dapat upang mapalapit siya sa iyo at ikaw sa kanya. Walang duda na makakatagpo ka ng iyong makakasama sa habang buhay. Nagsosolo kasi ang guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng hinliliiit). Nagsasabi ito na ikaw ay iibig pero minsan lang. Masarap kang magmahal at makakabuo ka rin ng isang masaya at masaganang pamilya. Magkakaroon kayo ng isang anak na lalaki. Nagsosolo rin kasi ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa dakong kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na magiging propesyunal ang iyong anak. Okey naman ang iyong negosyo at sa totoo lang, mapapalaki mo ito at magkakaroon ka ng branch sa ibang lugar dahil may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng hintuturo (tingnan ang bilog sa dakong ilalim ng index finger). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa dakong ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng middle finger). Malaya na ang mga readers natin na mag-reply sa iyong liham at kung sino man ang interesado na maging kaibigan ka ay ibibigay ko na lamang ang iyong address.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home