Wednesday, May 10, 2006

Pula't berde

(for TUMBOK, May 11 issue)

Dear Oliver,
BIGYAN mo sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Hulyo 18, 1975. Dalaga pa ako kasi’y panganay ako sa limang magkakapatid. Naulila kami sa ama nang maaga at maysakit ang nanay ko. Isa akong modista at namamakyaw ako ng tahiin sa mga garment factory. Nakapagpundar ako ng limang unit ng sewing machine pero baon ako sa utang sa Bumbay. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Okey ba ang napasukan kong negosyo? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MIRIAM NG CEBU CITY
Dear Miriam,
PULA at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Okey naman ang napili mong larangan pero kailangang sumabay ka sa uso at saliksikin mo ang mga moda o mga produkto ng iyong mga karibal. Kapag naisabay mo sa uso ang iyong mga tahi—walang duda na mabilis kang uunlad. Kailangang makatas ang iyong kakayahan, talino at talas ng iyong imahinasyon sa pagdedesenyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan isang kilalang tao ang mag-aalok sa iyo ng puhunan upang makaunlad. Sa panahon iyan din magkakaroon ka ng pagkakataon na makapag-asawa at diyan na magsisimula ang iyong ibayong pag-unlad. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Hulyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 13, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Numero nuwebe (9) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-19-23-25-30-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-19-23-24-25-29-34-36-40-42. Triple Number: 4-3-6/ 8-9-2/ 1-3-7/ 2-6-5.6-digit: 3-2-3-5-7-1/ 7-8-2-2-3-2/ 5-4-4-5-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-7-23-35-56-69-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa brown at nasa unahang siete (7). Okey ang otso (8) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang singko (5) . Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home