Wednesday, November 30, 2005

berde't asul (01dis05)

Tumbok—01dis05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From; Oliver Ty Ang, Mahihiwagang Kulay at Numero

Dear Oliver,
Binabati ko po kayo ng isang magandang umaga! Alam po ba ninyong isa ninyo akong masugid na taga subaybay? Lagi po akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito at patuloy pa rin pong magbabasa lalo na kung inyo pong ilalathala ang padala kong ito.Isinilang po pala ako noong April 25 , 1981. Gusto ko lang pong malaman ang mga mahihiwagang kulay,numero at mga taon o buwan na nakapaloob sa aking pagkatao. Maraming maraming salamat po hihintayin ko po itong email ko sa inyo.good luck po!

JOEY NG QC (tintin@yahoo.com)

Dear Joey,
BERDE at asul ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Kakulay ng berde ang luntiang dahon na nagmamanupaktura ng sustansiya upang lumago ang mga halaman at punong kahoy pero kapag hindi ito nasikatan ng araw—matutuyot ang dahon at mamamatay ang halaman. Ganyan din ang iyong buhay, marami kang natatagong talento at kakayahan pero hindi ka magtatagumpay kung hindi ka tutulungan ng ibang tao.Ibig sabihin, hindi ka makakaangat sa buhay nang nagsosolo ka. Kailangang mo magkaroon ng kapartner o kaututang dila sa bawat araw. Mas mainam kung magkakaroon ka ng alalay tulad ng mga artista at politico. Ang asul ay sumisimbolo sa kapayapaan at kapanatagan ng buhay. Kailangang makalmante ka upang makapagdesisyon ka nang maayos at tama. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran bago matapos ang taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 7, 13, 24, 25,at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Numero siete (7) at tres (3) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa 4, 9, 12, 15, 23, 26, 30 ,34, 37 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-12-18-20-23-25-30-34-37-40-42. Triple Number: 5-7-9/ 2-1-5/ 7-9-3/ 6-digit: 4-5-4-7-9-2/ 8-9-2-3-2-1/ 2-1-2-6-2-1. Bingo Mystery Eight: 4-14-34-47-56-68-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa brown at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang dos (2) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home