Sunday, May 28, 2006

Marun n yelo

(for TUMBOK, May 31 issue)

Dear Oliver,
MAHILIG akong magbasa ng kolum mo at nais ko ring malaman ang mahihiwagang taon, buwan at petsa na magbibigay sa akin ng magandang kapalaran. Ipinanganak ako noong Agosto 15, 1988. Apat po kaming magkakapatid at ako ang panganay. Isa rin po akong student. Mahilig akong tumaya sa lotto at nais kong bigyan mo ako ng numero dito at sa jai alai. Ano ba ang mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang lucky number ko.
LENZY (lenxzy@yahoo.com)
Dear Lenzy,
MAROON at yellow ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Kulay ng natutuyong dugo ang maroon na nagsasabi na masarap kang magmahal, emosyonal at karaniwang nabubuyo ng kapwa tao. Umiwas ka sa masasamang kaibigan at impluwensiya. Mas mainam kung ipopokus mo ang iyong atensiyon sa mga aktibidad na kikita ka nang malaki tulad ng services. Sikapin mong kumita nang maayos tulad ng pagsali sa negosyo ng electronic load. Sa maliit lang puhunan, masasanay ka sa pagnenegosyo hangga't bata ka pa. Magkakaroon ka ng maraming karelasyon kaya't dapat na maging maingat ka sa pakipag-ulayaw sa opposite sex upang hindi ka mapahamak tulad ng maaagang pag-aasawa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, 2008 at 2010 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng pagtatapos ng pag-aaral at matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero sais (6) at uno (1) ang buwenas mo.Sa jai alai, isama mo ang No.9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-7-11-19-23-28-34-35-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-15-19-23-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-2/ 2-6-5.6-digit: 2-1-2-6-7-2/ 8-9-2-1-2-1/ 5-2-1-2-2-1. Bingo Mystery Eight: 2-14-34-46-55-60-70-75. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa berde at nasa unahan ang otso (8). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa orange at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at dos (2).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home