Sunday, May 28, 2006

Pula't dilaw

(for TUMBOK, May 30 issue)

Dear Oliver,
HINDI akong nagsasawa na sundan ang iyong kolum kasi'y marami akong natututuhan. Bigyan mo rin sana ako ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Pebrero 27, 1970. Isa akong dating OFWs pero hindi na ako matanggap ngayon kahit gusto ko nang bumalik sa ibang bansa. Overaged na raw ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

PERCY NG TORIL, DAVAO CITY
Dear Percy,
TIPIKAL sa tulad mong may mahiwagang kulay pula ay mawalan ng direksiyon sa buhay o maaksaya ang mahahalagang panahon. Pero sa bandang huli ay mabilis ding nakakarekober at sorpresang nakakaangat tungo sa ibayong pag-unlad. Kailangang maging praktikal ka at makakatotohanan sa pagtatakda ng mithiin. Gawing simple lang ang mga bagay at walang duda na makakaangat ka. Mas makabubuting magnegosyo ka at pumasok ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw dahil taglay mo rin ang mahiwagang kulay dilaw. Maari kang mamakyaw o magnegosyo ng dried products tulad ng tuyo, daing, tsitsaron at mga processed foods gaya ng tocino, longganisa at iba pa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Enero, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Martes. Numero nuwebe (9) at uno (1) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12:3-7-8-13-16-24-26-30-34-37-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 7-8-3/ 1-4-5/ 7-2-1.6-digit: 3-2-3-6-3-1/ 8-8-2-1-2-1/ 2-1-2-6-7-2. Bingo Mystery Eight: 1-5-33-45-57-66-70-75. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa violet at nasa unahan ang siete (7). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang dos (2) kapag napagitna sa sais (6) at nuwebe (9).
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home