Monday, November 28, 2005

24-hour service (30nob05)

Tumbok—30nob05

ATTENTION; TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Magandang araw po . Nabasa ko po sa diyaryo na nagbibigay kayo ng advice,kaya naisip kong sumulat na rin Ako po ay 25 years old and as of now wala pong work gusto ko po sana mag abroad kahit na domestic helper or baby sitter lang,tama po ba ang gagawin ko? January 22, 1980 po ang birthday ko. Ano po bang negosyo ang pwede kong pasukan gusto ko po makatulong sa mga kapatid ko. Pwede nyo po akong bigyan ng numero na matatayaan para sa lotto at ano pong araw,petsa at buwan o taon ang aking masuwerteng magagamit para umangat sa buhay. Salamat po ng marami hihintayin ko nalang po dito reply ninyo marami pong salamat. GOD BLESS kung me tanong po kayo isama ninyo nalang po sa reply ninyo. Salamat po.

MICHIE (micheie2005@yahoo.com)

Dear Michie,
DILAW at abuhin ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Sinag ng araw ang kakulay ng dilaw na nagsasabi na ikaw ay may sobra-sobrang enerhiya kaya’t magagawa mo ang lahat ng nais mong gawin sampu na sumuko ang iyong pisikal na katawan. Buwenas ka sa negosyo na 24-hour service. May matatanggap kang pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao at magugulat sa mga magaganap. Mapapagitna ka sa mabibilis na pagbabago sa iyong buhay kaya’t dapat na matuto kang magdesisyon dahil iyan ang magiging pundasyon ng iyong tagumpay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Linggo. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-6-11-13-18-20-23-25-34-37-40-42. Triple Number: 3-4-7/ 8-9-2/ 3-4-7. 6-digit: 3-4-3-4-7-2/ 2-8-2-4-2-1/ 8-9-2-3-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-6-33-45-57-66-70-74. Mapalad ang saias (6) kapag nakasulat brown at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang tres (3) kapag napagitna sa singko (5) at uno (1).
---------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home