Friday, November 18, 2005

maroon, green (20nob05)

Tumbok---20nob05

ATTENTION: TUMBOK C/O RONIfrom: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
ALAM po ba ninyong ang tagal tagal ko ng nag ee-mail sa inyo? Pero hindi pa rin po lumalabas! Halos araw araw nga po akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito eh, dahil inaabangan ko rin yung padala ko sa inyo. Pasensiya na po kung masyado akong makulit, gusto ko lang po talagang malaman kung may maganda pa bang kapalaran ang naghihintay sa amin? Tanging vulcanizing shop lang po ang hanap buhay namin dito po sa Masinag. Sana naman po sa huling pagpadala kong ito eh makarating na po sa inyo at mailathala na rin po ninyo sa Tumbok, Isinilang po ako noong Marso 15, 1955, bigyan naman po ninyo ako ng mga numero,kulay na maaari kong gamiting gabay sa pang araw araw.at bigyan din po ninyo ako ng payo kung ano bang negosyo ang nararapat sa amin.maraming salamat po hihintayin ko po ang inyong kasagutan.

RAQUEL NG MASINAG, COGEO, ANTIPOLO CITY (Raquel@yahoo.com)

Dear Raquel,
PASENSIYA ka na hija, talagang marami ring natabunang e-mal sa ating file at mabuti naman dahil inulit mo.Sinisikap na natin ngayon masagot agad at lahat ng mga nag-emal upang makasilbi tayo nang maayos sa ating mga tagasubaybay. Maroon at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Numero sais (6) at dos (2) ang mahihiwaga mong numero. Masyado kang emosyonal kaya’t angkop ang welding shop sa iyo bilang negosyo. Mainam sana kung sarili mo ang puwesto at sikapin mong maparami ang suki sa pamamagitan sa pakikipag-kaibigan sa kanila. Pasyalan mo ang mga suki sa kanilang mga bahay upang maging personal ang inyong relasyon. Kapag marami kang suki, patuloy kang uunlad at ilan sa kanila ang kusang mag-aalok sa iyo ng oportunidad upang guminhawa ang iyong buhay. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na ikabubuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3,9, 14, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Sa jai alai, isama mo sa No. 6 at No. 2 ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-12-16-23-25-34-36-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-9-11-16-20-22-29-34-36-40-42. Triple Number: 2-6-7/ 4-1-7/ 8-9-3. 6-digit: 3-2-3-6-2-1/ 2-3-6-2-1-2/ 7-9-3-4-3-2. Bingo Mystery Eight: 2-6-34-47-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang siete (7) kapag napagitna sa o9tso (8) at dos (2).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home