Thursday, November 24, 2005

berde't itim (26nob05)

Tumbok—26nob05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Sobrang magandang umaga po! Tulad po ng mga nagpapadala sa inyo, isa po ako sa mga humahanga sa inyong talentong wala na sigurong makakapantay pa! Sana katulad din ninyo ako na nakakabasa kung kailan may magandang kapalaran ang bawat tao,para naman hindi lang kayo nag-iisa, kasi alam kong nahihirapan kayong sagutin lahat ng mga nagpapadala sa inyo .Sa sobrang dami ng mga katulad naming nais malaman ang kinabukasang naghihintay. Samantalang isa lang ang dapat ninyong ilathala sa bawat araw,pero nauunawaan po namin kayo kasi nga nag-iisa lang talaga kayo. Paano po ba ninyo nalalaman yan? (pasensiya na po! curious lang po!!!)ako po pala ay tubong San Roque subd, Don Enrique, Bulacan, Bulacan. Lagi po talaga akong nagbabasa ng kolumn ninyong ito,lalo na sa umaga ito agad ang hinahanap ko buti na lang at kaharap lang namin ang news stand. Isinilang po ako noong Oct. 2, 1984. Gusto ko lang pong malaman kung may kakambal po ba akong swerte sa buhay.Patigil tigil po kasi ako sa pag-aaral, makakatapos din po ba ako ng pag-aaral? Yung mga numero din po pala at kulay at mga taon, buwan na naghihintay sa akin ng kapalaran.

BERNARDO (arrandian@yahoo.com)

Dear Bernardo,
ANG mga karunungan napapaloob sa espasyong ito ay bunga ng mahigit 30 taong pagsasaliksik at aktuwal na hinango mula sa mga tunay na karanasan ng mga kliyente o taong kumunsulta at nakatuklas ng lihim ng hiwaga ng mga kulay at numero sa kanilang buhay. Tulad mo Bernardo, malinaw na bahagi ka na mismo ng pagsasaliksik at kumpirmasyon na ang taong nagtataglay ng mahiwagang kulay berde at itim na gaya mo ay karaniwang nag-aatubili sa pagdedesisyon at madaling maimpluwensiyahan ka ng kapwa. Mag-ingat sa mga manloloko particular sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Pero, alam mo bang ang iyong buhay at buwenas ay nakasandal sa impluwensiya ng mga taong nasa paligid mo. Piliing mabuti ang mga tao sa iyong paligid gayunmanm, gaano man sila kasama o kawalang-hiya, darating ang panahon na makakatulong din sila sa iyo pagdating ng panahon. Manatiling mabait at maunawain sa bawat sandali. Buwenas ka sa mga religious items at mga hindi pangkaraniwang kaalaman. Magtanim ka ng berdeng-berdeng halaman na may bulaklak na kulay asul upang buwenasin ka at makalmante sa gitna ng mga problema—iyan ang hihigop ng magandang kapalaran sa paligid. May naghihintay sa iyo na buwenas bago matapos ang taong ito, 2005 pero tatagal pa ito sa 2006 at babalik sa 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Hahawak ka ng katungkulan. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 12, 16, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Biyernes at Linggo. Numero dos (2) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.8. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 8, 11, 17, 23, 27, 34, 37 at 42. PARA sa masusuwerteng numero: MAGIC 12: 2-7-11-15-19-23-25-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-8-1/ 6-8-2/ 4-3-7/ 8-9-3.6-digit: 3-6-2-1-2-7/ 8-9-2/ 3-2-6. Bingo Mystery Eight: 2-7-20-25-33-45-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang otso (8). Okey ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at uno (1).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home