Wednesday, November 16, 2005

marun, grin (18nob05)

Tumbok—18nob05

ATTENTION: TUMBOK c/o RONI
From: Oliver Ty Ang, Mahihiwagang kulay at numero

Dear Oliver,
Matagal na po akong nagbabasa ng kolumn ninyo sa Tumbok at talagang naeengganyo ako sa inyong mga kasagutan kaya naman heto po ako’t isa na sa mga nagpadala sa inyo. Ako po’y sinilang nung July 24 ,1969. Nais ko rin po sanang humingi ng gabay na magagamit kong mga numero at kulay na maaari kong gamitin sa pagtaya man lang sa kahit na anong klaseng laro.at ganun din po bigyan din po ninyo ako ng mga araw at taon na naghihintay sa akin ng magandang kapalaran.Bigyan mo ako ng numero sa jai alai at lotto.

BANDONG NG DAVAO CITY (aika@yahoo.com)

Dear Bandong,
MAROON at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran. Maroon ang kulay ng natutuyong dugo na sumisimbolo sa pagiging martir. Malinaw ditto na may kakayahan kang isakripisyo ang sariling kaligayahan kung nakataya ang kapakanan ng mga minamahal. Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo sa kapwa tulad ng room for rent, repair shop at re-packing. Ang berde ay kulay ng sariwang dahon na nagpapahiwatig ng kasiglahan ng buhay. Puwede kang maging mahusay at makaangat sa tatlong magkakahiwalay na larangan. Maaari kang maglagay ng iba’t ibang branches sa iyong negosyo.Okey ka sa networking business. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang matatag na hanapbuhay. Numero sais (6) at siete (7) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 5, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Linggo. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-5-11-18-20-25-27-30-34-38-40-42. Triple Number: 3-7-9/ 3-8-5/ 2-3-7. 6-digit: 2-1-2-5-2-4/ 6-8-2-3-2-6/ 7-2-1-4-2-3. Bingo Mystery Eight: 3-14-22-33-45-57-70-74.Mapalad ang sais (6) kapag nakamarka sa brown at nasa unahan ang otso (8). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa nuwebe (9) at dos (2).
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home