Monday, November 07, 2005

red n' gray

Tumbok (08Nob05)

Dear Oliver,

Nais ko pong malaman ang mahiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at trabaho sa takbo ng aking buhay. Sa kasalukuyan ay may dalawang magandang oportunidad sa pag-aaply ko ng trabaho. Kung sakaling matanggap nila ako,alin po ang nababagay o nararapat sakin para maswerte? Ipinanganak ako June 9,1970. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ang swerte kong taon,buwan,at petsa? Bigyan mo din ako buwenas sa numero lalo na sa pagtaya sa lotto. Maraming salamat! Warm regards.

AU AU (goddess@yahoo.com)

Dear Au Au,

HINDI mo naman binanggit ang espesipikong inaalok sa iyo na oportunidad. Gayunman, kung alin ang alok na may kaugnayan sa paglalakbay, pagbibiyahe, paga-analisa o gagamit ka ng imahinasyon, pakikipagsapalaran at higit na may paghamon sa iyong kakayahan—iyon ang tanggapin mo. Umiwas ka sa mga alok na matuturuan ka ng katamaran, masyadong simple, boring o magaan ang trabaho.Mas mahirap ang trabaho, mas angkop para iyo! Taglay mo kasi ang mahiwagang kulay pula at gray.Kailangang lagging sumusulak ang iyong dugo sa excitement at pagsisikap sa trabaho.Mabibilis na pagbabago ang magaganap at magtataka ka pa sa mga magaganap. Walang duda na makapaga-abroad ka. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, pero uulit sa taong 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero nuwebe (9) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-38-40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-7-8-11-15-19-23-28-34-39-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 9-1-5/ 1-2-7/ 6-digit: 3-2-9/ 4-3-7/ 2-1-4/ Bingo Mystery Eight: 3-15-24-35-56-67-70-74. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang dos (2). Mainam ang sais (6) kapag nakaporma sa itim at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang nuwebe (9) kapag napagitna sa otso (8) at tres (3).

---30---

1 Comments:

Blogger rr said...

Dear Oliver,
Gusto ko sana malaman kung panu ko mapapabalik ung ex-bf ko.4 months na po kaming hiwalay,pero magkalapit lang kami ng bahay.Ipinganak sya sa buwan ng Augusto 5,1990 at ako naman po ay sa buwan ng Hunyo 11,1990.Mahal ko parin po kasi sya hanggang ngayon,sana matulungan mo po ako.

Rr

8:05 AM  

Post a Comment

<< Home