Wednesday, November 02, 2005

asul , dilaw

Tumbok (04Nob05)

Dear Oliver,

Ako po ay isinilang noong Marso 30, 1960. Ano po ba ang lucky color at number ko ?Ano ba ang magiging kapalaran ko sa taon 2006. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin po rin ako ng lucky lotto numbers. Marami pong salamat and more power.

CHARLIE (yao@yahoo.com)

Dear Charlie,

ASUL at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kapanatagan at kapayapaan ang ibinabadya ng kulay asul tulad din ng bughaw na kalangitan at karagatan sa panahon ng tag-araw. May likas kang talino at kakayahan na makaangat sa buhay. Pero kailangan mong matutuhan na magdesisyon nang maayos.Ang dilaw ay kakulay ng sinag ng araw, na nagsasabi na may sobra-sobra kang enerhiya at resistensiya upang gampanan ang gaano mang kahirap na pagsubok at responsibilidad. Maselan at masalimuot ang naghihintay sa iyo sa taong 2006, ipagpaliban mo ang iyong mahahalagang desisyon tungo sa 2007 pero kailangan mong mapagsuri o mapagmasid sa kabuuan ng 2006. Ito ang iyong deciding year, umiwas ka sa mga bisyo at mga walang kuwentang aktibidad upang hindi mapahamak sa 2006 at mapasakamay mo ang magagandang hatid ng buwenas mong taong 2007 at 2008 kung saan matutupad ang marami mong pangarap. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 22, 27, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero tres (3) at four (4) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No 5. Sa lotto, pumulot ka sa 2, 7, 11, 18, 23, 26, 34, 36 at 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-6-11-19-23-26-28-30-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-6/ 8-9-2/ 1-2-5/ 8-9-2. 6-digit: 2-3-2-8-2-2/ 7-8-2-2-5-2. Bingo Mystery Eight: 3-8-34-47-55-67-70-73. Mapalad ang otso (8) kapag nakasulat sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang sais (6) kapag nakamarka sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang kuwatro (4) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).

---30---

1 Comments:

Blogger jmar said...

Ako po ay isinilang noong dec 18, 1987. Ano po ba ang lucky color at number ko ?Ano ba ang magiging kapalaran ko sa taon 2008 and 2009. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin po rin ako ng lucky lotto numbers. Marami pong salamat and more power.

jmar (zero95_cr3t@yahoo.com)

10:41 AM  

Post a Comment

<< Home