Thursday, November 03, 2005

grey n blak

Tumbok (05Nob05)

Dear Oliver,

Isa ako sa tagasubaybay ng iyong column,at naglakas loob na ring sumulat sa inyo,dahil tulad ng iba gusto ko rin malaman ang mga kulay at swerteng numero na magdadala ng buwenas sa aking pamilya. Ipinanganak ako noong Enero 14,1973,at ang mister ko naman ay Enero 6,1969. Isa po siyang seaman, at dahil hindi na niya kayang lumayo pa sa amin, gusto na sana niyang tumigil sa pagbabarko at pagtulungan na lang naming mag-asawa na palaguin ang konting sari-sari store na naipundar namin sa ngayon pero ang problema hindi pa sa sapat ang kita ng negosyo namin para mapunan ang pangangailangan namin araw-araw. Kaya sa ngayon gusto kong malaman kung ito ba ang tamang negosyo para sa aming mag-asawa? Ito'y inumpisahan namin noong June 18,2004. Pwedeng bigyan mo rin po ako ng masuwerteng kulay o bagay na pwedeng panghatak sa mamimili na pwede ko ilagay sa store namin? At ano ang masuwerteng petsa, buwan at taon naming mag-asawa?

Iberjedze (iberjedze@yahoo.com)

Dear Iberjedze,

GRAY at black ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Mabibilis na pagbabago ang magaganap sa iyong buhay kaya't mahalagang matuto kang magdesisyon nang mabilisan. Buwenas ka sa negosyo na mabilis na umiikot ang puhunan-- yun tipong sa maghapon ay mabilis mong ihihiwalay ang profit mula sa kapital. Ituloy mo lamang ang sari-sari store pero dapat na sabayan mo ito ng maliliit pang negosyo na madaling makompiyut ang kinikita sa bawat araw tulad ng barbekyu sa hapon; balut-penoy sa gabi, diyaryo at pandesal sa umaga--sa ganyang tatlong klase, mapapaikot mo ang P500 sa maghapon--malinaw na kikita ka dyan nang malaki at malinaw bukod pa ang sari-sari store. Lagyan mo ng kulay gray ang dingding ng tindahan at magmarka ka ng signboard na may border line na itim--iyan ang buwenas mo. Numero singko (5) at otso (8) ang suwerte mo. Kulay gray din at maroon ang buwenas ng mister mo--kapag nag-concentrate kayo sa negosyo, mabilis kayong yayaman nang hindi ninyo sukat-akalain. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2006, 2007, 2010 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang maunlad na negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 22, 26, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Sabado. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No.8 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-39-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-14-19-23-28-31-34-38-40-42. Triple Number: 3-5-1/ 6-8-2/ 8-2-6/ 7-2-4. 6-digit: 2-1-2-6-2-1/ 7-8-2-2-1-2/ 9-0-2-2-1-2. Bingo Mystery Eight: 3-12-24-34-55-67-70-74. Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa dilaw at nasa hulihan ang uno (1). Okey ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa orange at nasa unahan ang otso (8). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at tres (3).
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home