Grey n black
Dear Oliver,
Regular akong nagbabasa ng kolum mo at nais ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ano ba ang masusuwerte kong pitsa, bulan at taon? Ipinanganak ako noong March 23, 1989. Bigyan mo ako ng buwenas na numero sa lotto, jai alai at suwertres.
ELRIN (slipdunk@yahoo.com)
Dear Elrin,
TIPIKALA sa tulad mong may mahiwagang kulay gray o abuhin ay magpatangay na lamang sa agos ng buhay kaya't mahalagang magkaroon ng direksiyon ang iyong mga ikinikilos. Natutukso ka sa pakikipagsapalaran kasi'y nararamdaman mong tumpak ang iyong mga kutob, sapantaha at espekulasyon na siya rin mismong magiging pundasyon sa iyong pag-unlad. Dapat ay magtayo ka kahit maliit na negosyo at walang duda na mapapaangat mo ito. Pero buwenas ka rin sa mga sugal pero kailangang maging kalmante ka at panatag ang kalooban. Taglay mo rin ang mahiwagang kulay itim kaya't nadidistorbo ka ng lihim na kalungkutan pero sa katagalan ay matutuhan mo na ang sekreto ng buhay. Uunlad ka sa pagdating ng middle age kaya't dapat kang mag-abroad dahil naroroon ang buenas mo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2006 pero uulit sa 2008 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo at hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Hunyo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 11, 17, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero singko (5) at otso (8) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 1-6-11-18-23-27-34-37-40-42. Sa suwertres, puwede ang 7-8-3/. 1-6-2. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 1-6-11-14-18-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number; 3-2-6/ 8-9-2/ 1-4-2/ 4-3-7.6-digit; 3-2-3-7-5-1/ 8-9-2-1-2-1/ 3-2-3-7-2-1. Bingo Mystery Eight; 1-7-22-34-47-67-70-73. Mapalad ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang tres (3) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa siete (7) at dos (2).
------30--